Monday, March 4, 2013

Misuari kay Kiram: Huwag palalain

Davao City – Sa kanyang pagbabalik dito mula sa isang peace-building conference, nanawagan si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari sa bawat partido, partikular ang gobyerno ng Malaysia, na lutasin sa pamamaraang pangmagkakapatid ang Sabah standoff na nauwi sa barilan na ikinasawi ng may 15 katao noong nakaraang Biyernes.



Hinimok ni Misuari, na pinaghihinalaan ng ilang awtoridad na nagsusulsol sa pagpapadala ng mga armadong tagasunod ni Sultan Jamalul Kiram III sa Sabah kamakailan, ang Malaysian Prime Minister, na aniya’y isang malapit na kaibigan, “to desist from sending more forces… tone down your voice.”


Siya ay umaapela rin sa Sultan ng Sulu “not to aggravate the situation,” at nakikiusap rin sa “malalamig na ulo” na mamagitan sa lumalalang alitan.


“I don’t like trouble with (the Philippine) government. I don’t like trouble with Malaysia. I want peace,” pag-uulit ni Mindanews.com editor-in-chief Carolyn Aguillas kay Misuari sa naging pulong nito sa bise alkalde ng lungsod na si Rodrigo Duterte mula 11:35 gabi ng Sabado hanggang 12:05 ng Linggo sa Royal Mandaya Hotel.


Si Misuari ay nasa lungsod upang dumalo sa isang komperensiya ng Mindanao Indigenous Peoples Conference for Peace and Development.


Bilang tugon kay Misuari, sinabi ni Duterte: “It would be to the best interest of everybody if you can stop the uprising there and just talk about (it peacefully).” Matapos nito ay binati niya si Misuari, na ipinanganak noong Marso 3, 1939, ng “happy birthday”.


Ayon kay Misuari, siya ay “ready anytime” na pumagitan sa naglalaban-laban sa isyu ng Sabah, at dagdag niya na may nasagapsiyang balita na ang Malacanang “is toying with the idea of asking me (to help) but I don’t know how true.”


“We must talk in a brotherly way… I can mediate between them,” sabi ni Misuari at dagdag nito, “anyway, Sabah and Sarawak belong to me and my clan. It does not belong to the Sultanate. Because this is the property of my great, great, grandfather.”


Lahad niya, si Sadikul Sahali, gobernador ng Tawi-Tawi, “pleaded with me to join their entourage to Kuala Lumpur at Sabah, they want me to contact these young people. Ngayon nag-giyera na.” (Ali G. Macabalang)





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/05/misuari-kay-kiram-huwag-palalain/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment