Monday, March 4, 2013

SIERRA MADRE GLOBAL BIODIVERSITY SITE

Ang Sierra Madre, ang pinakamahabang mountain range sa Pilipinas, ay isa sa 221 key site para sa biodiversity sa planeta. Nagsisimula ang range sa probinsiya ng Cagayan at nagtatapos sa lalawigan ng Quezon na nasa silangang bahagi ng Laguna de Bay.



Mahigit 101 species ng reptile at amphibian ang dinokumento ng isang team mula sa University of Kansas sa isang scientific paper na inilimbag noong Pebrero 7, 2013 sa “ZooKeys”, isang peer-reviewed open access academic journal para sa larangan ng Zoology. Ang team, na kabilang ang Pilipino, American, at Dutch scientists, ay natagpuan ang 29 amphibian, 30 lizard, 35 ahas, dalawang freshwater turtle, tatlong marine turtle, at dalawang crocodilian sa kanilang pag-aaral ng kabundukan ng Sierra Madre. Dalawang forest frog ang inidineklarang endangered ng International Union for Conservation of Nature.


Taglay ng Sierra Madre mountain range ang pinakamalaking nalalabing hanay ng old-growth tropical rainforest sa bansa. Mayroon itong 1.4 milyong ektaryang gubat, kumakatawan sa 40% ng kabuuang kagubatan ng bansa. Ito ang tahanan ng daan-daang wildlife species na sa Pilipinas lamang matatagpuan tuald ng Philippine eagle at golden crowned flying fox. Ang mga watershed nito ay sumusuporta sa pangunahing imprastraktura na kinabibilangan ng mga dam na nagpapatubig sa mga sakahan sa Central Luzon at sa Cagayan Valley region, ang palabigasan ng bansa, at water utilities at power plants na nagsu-supply sa Metro Manila at karatig-probinsiya.


Isang kampanya ng gobyerno at mga environmentalist ang isinasagawa na upang protektahan at ipreserba ang Sierra Madre mountain rainge. Ang mga mamamayan ng Cagayan Valley ay muling pinanunumbalik ang dating kondisyon ng ng kabundukan sa pamamagitan ng National Greening Program. Tinutulungan sila sa pagtatayo ng mga kabuhayan na mainam sa kalikasan tulad ng agroforestry at ecotourism. Ang mga law-enforcement agency pati na ang militar, pulisya at Department of Environment and Natural Resources ay nagpapatupad ng Executive Order No. 23 na nagbabawal sa pagputol ng mga puno. Itinadhana sa bisa ng Proclamation No. 413 na inisyu ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang Setyembre 26 ng bawat taon bilang “Save Sierra Madre Day” upang paigtingin ang mga pagsisikap na i-rehabilitate, protektahan at ipreserba ang naturang mountain range.


Binabati natin sina Quezon Governor David C. Suarez at Cagayan Governor Alvaro T. Antonio, at iba pang opisyal sa kanilang pagsuporta upang mapaigting ang preserbasyon ng kalikasan at wildlife ng kabundukan ng Sierra Madre. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/05/sierra-madre-global-biodiversity-site/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment