Saturday, March 2, 2013

P1.10 rollback sa gasolina

Good news sa mga motorista.


Muling pinangunahan ng SeaOil ang bigtime oil price rollback kahapon ng madaling araw.


Epektibo 12:01 ng madaling araw tinapyasan ng SeaOil ng P1.10 ang presyo ng kada litro ng kanilang unleaded at premium gasoline at diesel.



Hindi naman nito ginalaw ang presyo ng kanyang regular gasoline at kerosene.


Agad sumunod ang Flying V kung saan nagpatupad ng parehong price rollback sa AVGas, Rush, Thunder, Leadfree at Biodiesel habang 60 sentimos naman sa regular gasoline. Walang paggalaw sa presyo ng kerosene.


Ang bagong rollback sa petrolyo ay bunga ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.


Bagamat wala pang abiso ang ibang oil player, asahan na ang pagsunod ng mga ito sa nasabing rollback.


Noong Pebrero 25, huling napatupad ng rollback ang malalaking kumpanya ng 85 sentimos sa regular gasoline, 70 sentimos sa kerosene, 45 sentimos sa diesel at 35 sentimos sa unleaded at premium gasoline.


Unang nagtapyas ang SeaOil ng 50 sentimos ang presyo ng kanyang diesel at 40 sentimos sa unleaded gasoline noong Pebrero 23. – Bella Gamotea





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/03/p1-10-rollback-sa-gasolina/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment