Saturday, March 2, 2013

Pagpili sa bagong papa, inumpisahan

VATICAN CITY (Reuters) – Ngayong opisyal nang nagretiro si Pope Benedict XVI, sinimulan na noong Biyernes ng mga Katolikong cardinal mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang complex, cryptic at walang katiyakang proseso ng pagpipili sa susunod na papa ng pinakamalaking simbahan sa mundo.



Ang panahong ito ay tinatawag na “sede vacante“ o “vacant see“ -ang transisyon sa pagitan ng pagtatapos ng isang papacy at eleksiyon ng bagong papa.


Sa panahon ng ilang araw na ito-hindi lalagpas sa 20 -ilang key players ang mamumuno sa pagpapatakbo sa Holy See, gagabay sa College of Cardinals sa kanilang mga deliberasyon at pag-organisa sa conclave na hahalal sa apalit ni Benedict. Isang cardinal na tinatawag na camerlengo, o chamberlain, ang nagiging interim chief ng Simbahan na may limitadog kapangyarihan. Ang ‘particular congregation’ binubuo ng camerlengo at tatlon halal na cardinal assistants – na ito ang magdedesisyon sa mga routine kaugnay sa mga gawain ng Simbahan.


Hindi pa malinaw ang ilan sa mga detalye, sa pagputol ni Benedict sa tradisyon na magwawakas ang papacy sa pagkamatay ng isang papa, upang ang “princes of the Church” ay magsasagawa muna ng informal session bago ang magsisimula ang tradisyunal na rounds of talks sa Lunes.


Walang lumulutang na frontrunner sa hanay ng 115 cardinal electors – nasa edad 80 pababa – na nakatakdang pumasok sa Sistine Chapel para sa conclave na pipili ng bagong papa, kayat ang tahimik na pagtitimbang sa mga potensyal na kandidato ang magiging pangunahing agenda ng mga cardinal.


Gagamitin rin nila ang general congregations at closed-door consultations bago ang conclave, para talakayin ang mga kinakaharap na hamon gaya ng mas maayos na Vatican management, pangangailangan para sa mas pinabuting komunikasyon at pagpapatuloy sa krisis sa sexual abuse. Sa panahong ito kikilalanin din nila ang isa’t isa.


Winakasan ni Benedict ang kanyang mapanghamon na walong taon na pamumuno noong Huwebes, nangako ng unconditional obedience sa sinumang papalit sa kanya para pamunuan ang 1.2 bilyong Katoliko sa mundo at isa sa pinaka-problemadong panahon sa 2,000-taong kasaysayan ng simbahan.


“I would imagine each of us has some kind of list of primary candidates, and others secondary,” sabi ni Cardinal Francis George ng Chicago sa isang media briefing kasama ang iba pang cardinal.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/03/pagpili-sa-bagong-papa-inumpisahan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment