Monday, March 4, 2013

P3.2M sa Philracom Racing Festival

Tumataginting na P3.2 milyon ang nakalaang premyo ang ng Philippine Racing Commission (Philracom) para sa nakatakda nilang Racing Festival sa dalawang pangunahing karerahan sa bansa.


Matutunghayan ng publikong karerista para sa taunang pakarera ng Philracom ang Commissioner’s Cup at Chairman’s Cup ngayong buwan.



Unang aarangkada ang Commissioner’s Cup sa Marso 9 sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI), ang tagapamahala ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Kabuuang P1.2 milyon ang nakalaang premyo sa Commissiner’s Cup na paglalabanan ng mga kalahok na Hagdang Bato, ang couple entry na Barkley, Golden Empire, Tensile Strength at Rigthererigthnow kung saan ay tatawid ang mga sa 1,800 meters distance.


Ang tatanghaling kampeon ay pagkakalooban ng P720,000 habang ang ikalawa ay P270,000, P150,000 sa ikatlo at P60,000 sa 4th placer.


Maghaharap naman sa Marso 16 (Sabado) ang 3-Year-Old local horses sa Philracom Chairman’s Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Sa ngayon ay kasalukuyan pa lang tumatanggap ng kalahok ang Philracom para sa kanilang pakarera na paglalabanan ng mga itinuturing na contender sa 2013 Triple Crown Championships at Hopeful Stakes race na magisimula sa Mayo.


May nakalaang P2 milyong premyo ang naturang karera.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/05/p3-2m-sa-philracom-racing-festival/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment