Bumubuti na ang kondisyon ng isang 17-anyos na estudyante na tinamaan ng ligaw na bala na mula sa umano’y nagrarambulang grupo sa Bagong Silang, Caloocan City kamakailan.
Sinabi ni Marivic Galang, ina ng biktima na si John Kurt, nakapagsasalita at nakakakain na ang kanyang anak hindi tulad ng kondisyon nito matapos sumailalim sa CT scan sa East Avenue Medical Center dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng kanyang mata.
Si Galang, isang high school graduating student, ay tinamaan ng ligaw na bala habang siya at kanyang pamilya ay natutulog sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay 176, Zone 15, Bagong Silang, noong Biyernes ng gabi.
Suspetsa ni Senior Supt. Jackie Candelario, operations chief ng Caloocan City Police, na posibleng galing ang bala sa nangyaring putukan ng dalawang grupo na nagsagupa malapit sa bahay ng mga Galang.
“Paunti-unti umaayos na ang kalagayan niya sa pagamutan. Tinanggal na ang benda na nakapalupot sa ulo ng aking anak,” ani Marivic. – Ed Mahilum/Manila Bulletin
Related Posts:
- Stray bullet sa Korean Embassy
- 7 anyos na biktima ng stray bullet, pumanaw na – doktor
- Binay: Laws must be enforced
- Bata, tinamaan ng stray bullet
- Database sa nasangkot na sa indiscriminate firing,…
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/05/biktima-ng-stray-bullet-bumubuti/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment