Sunday, March 24, 2013

PAPA CHITO

NOONG umakyat sa Baguio City si PNoy para maging guest speaker sa PMA 2013 Class Graduation, nakita niya ang napapanot na kabundukan ng siyudad at nagpahayag ng pagkadismaya. Ginunita niya na noong bata pa siya at kasama ng amang si Sen. Ninoy Aquino, makapal ang mga puno at mahalimuyak ang pine trees. Naibulalas niyang ayaw na niyang tingnan ang kabundukan.



May nag-text na baka raw kaya mataas ang trust at approval ratings ni Pangulong Noy batay sa Pulse Asia Survey noong Peb. 24-28 ay dahil sa ang kinapanayam ay mga Malaysian. Kung ito ay isang biro, nakatatawa ito, pero walang katotohanan. Ang 1,800 tao na tinanong ay mula sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao. Ang Pilipinas ay hindi “spokesnation“ ng Malaysia at si PNoy ay hindi “spokesman“ ni Malaysian PM Najib Razak.


–ooOoo

Sinisikap ng AFP at PNP na masugpo ang extortion activities ng NPA sa mga kandidato ngayong 2013 elections. Nananawagan si AFP spokesman Col. Arnulfo Marcelo Burgos, Jr. sa mga kandidato na huwag magbigay ng pera sa mga rebelde kapalit ng “permit to campaign“ at “permit to win.“ Milyun-milyong piso diumano ang nakukolekta ng NPA tuwing halalan samantalang ang taumbayan ay nakanganga sa gutom at kahirapan.


–ooOoo

Talagang kontrobersiyal ang nakababatang kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino, ang Queen of All Media, na ngayon ay nasa limelight dahil sa kasong isinampa laban sa ex-husband na si basketball player James Yap. Sana ay maayos ang gusot ng dalawa alang-alang kay Bimby. Bakit maraming celebrity, sikat, mayayaman ang humahantong sa ganitong situwasyon? Para sa akin, higit na mabuting mabuhay nang simple, nakakakain ng 3 beses, at walang kaaway.


–ooOoo

Mahilig ang mga Pinoy na gumawa ng mga katawagan. Ang tawag kay Luis Antonio Cardinal Tagle ay “Cardinal Chito“ (muntik na ngang “Papa Chito“). Ngayon naman, ang tawag kay Pope Francis ay “Pope Kiko“. Ang Francis kasi sa Italya ay Francesco, at sa Pilipinas, ang palayaw rito ay Kiko. Balang araw, magkakaroon din ang bansa natin ng isang PAPA CHITO.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/papa-chito/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment