ABANGAN ang pinakamatitinding eksena ng drama at komprontasyon sa huling dalawang linggo ng Pahiram ng Sandali sa GMA Telebabad hanggang sa Marso 15.
Sumugal ang Pahiram ng Sandali sa pakikipagsabayan sa mga pangkaraniwang istorya ng tradisyunal na television soaps kaya nakare-relate ang mga manonood sa ilang sitwasyon at problema sa dramaserye. At hindi matatawaran ang mahusay na pagganap nina Ms Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Mark Gil, Alessandra de Rossi, Max Collins, Neil Ryan Sese at Dingdong Dantes, kaya tinutukan ito ng maraming manonood.
Mas marami pang rebelasyon at problema ang mabubunyag sa huling sampung araw ng serye nang mangako si Janice (Lorna) na tutulungan si Alex (Dingdong) para makipagbalikan kay Cindy (Max). Sinabi ni Alex kay Janice na ayaw niyang maranasan ng kanyang anak ang dinanas niya na lumaking walang kinikilalang ama.
Gayunman, nananatiling matigas ang loob ni Cindy sa mga panunuyo ni Alex. Hindi niya mapatawad ang dating nobyo dahil sa minsan nitong pakikipagrelasyon sa kanyang ina.
Mapatawad pa kaya ni Cindy si Janice? Magawa kaya ng mag-ina na patawarin ang isa’t isa, kalimutan ang nakaraan at magkasundong muli?
Lumambot kaya ang puso ni Cindy para muling bigyan ng isa pang pagkakataon si Alex, alangalang sa kanilang anak?
Samantala, hiniling ni Larry (Mark) sa anak na si Andrew (Neil) na makipag-ayos na sa kapatid na si Alex. Magkasundo pa kaya ang magkapatid?
Tutukan ang pinakamaiinit na eksena sa huling dalawang linggo ng Pahiram ng Sandali, pagkatapos ng Indio sa GMA Telebabad.
Related Posts:
- ‘Pahiram ng Sandali,’ lalong umiinit
- Dingdong, kinabahan, na-excite sa kissing scene nila ni LT
- Huwag tularan si Janice — Lorna
- Bida na si Max Collins
- Huling linggo na ng ‘Valiente’
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/06/pinakamatitinding-rebelasyon-sa-huling-2-linggo-ng-pahiram-ng-sandali/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment