Ni Mary Ann Santiago
Hindi maaaring dumalo ang mga kandidato sa eleksiyon sa Mayo 13, sa mga graduation ceremony sa mga Catholic school sa bansa.
Ito ay kasunod ng paalala ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa lahat ng eskuwelahang Katoliko na huwag payagan ang mga pulitiko na gamitin sa kampanya ng mga ito ang mga graduation ceremony ngayong buwan.
Ayon kay CEAP President Fr. Greg Banaga, pangulo ng Adamson University, hindi dapat payagan ng mga Catholic school administrator, maging ang mga alumna na pulitiko, na magbigay ng talumpati sa graduation ceremonies.
Nilinaw ni Banaga na ang graduation ceremony ay dapat nakasentro sa tagumpay ng mga estudyante, at okasyon din upang mapasalamatan ang mga magulang na nagpursige upang mapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.
Sa kabila nito, hinikayat din ng pari ang mga estudyante na makiisa sa halalan at gumawa ng mga hakbang na makatutulong para magkaroon ng malinis, payapa at may kredibilidad na halalan sa Mayo 13.
“Sa mga College students specially, maging involve po tayo sa halalan sa Mayo lalong-lalo na sa gawain ng PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting) at sa iba’t ibang gawain ng inyong mga parokya at mga eskuwelahan upang makatulong sa ating eleksiyon para sa isang honest, peaceful and transparent election,” sinabi ni Banaga sa panayam ng Radio Veritas.
Related Posts:
- Halloween party, itigil na –CBCP
- Tulong pinansiyal ng gobyerno sa mga eskuwelahan, dapat na…
- Estudyanteng may suicidal tendency, pinababantayan
- P600,000 ilalaan sa graduation subsidy
- Martial Law at tinatamasang kalayaan, dapat pahalagahan ng…
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/06/pulitiko-off-limits-sa-graduation/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment