Ayon sa mga balita, mahigit sa anim na libo ang inilista ng DAR na mga benepisyaryo ng Hacienda Luisita. Sana ay tunay silang magsasaka na ang mga ninuno ay namuhunan ng pawis at dugo.
Halos 10,000 namang biktima ng martial law ang mabibiyayaan ng P10 bilyong kompensasyon. Bakit ba pinipilit ng mga maka-Marcos na higit na mabuti ang pamumuhay noon? Di ba nila alam na ang populasyon ng Pinas noon ay 70 milyon lang, ngayon ay halos 100 milyon na? Noon ang presyo ng gasolina ay mababa pa dahil wala pang gulo sa Middle East. Pati palitan noon ng dollar at piso ay mababa dahil hindi nga masyadong magulo noon, at wala pang tinatawag na financial crisis na yumanig sa ekonomiya ng mundo.
Noon, kapag nabuntis ang isang babae nang walang asawa, itinatago ito at ikinahihiya. Isang kahihiyan noon ang maturingang DALAGANG INA. Aba ngayon, balewala na ang pagbubuntis laluna sa larangan ng showbiz at altasosyedad. Eh bakit ang “Binatang Ama“ noon at ngayon ay pareho pa rin, hindi masyadong kahiya-hiya?
Nabalitaan na ba ninyo na meron daw ngayong Soup No.7 na may sahog diumano na fetus na mabisang pampatindig kay MANOY? Ang sikat noon at hanggang ngayon ay Soup No. 5 na sinahugan diumano ng bayag ng baka. Hindi naniniwala rito ang Food and Drug Administration at ipinapayo ng mga eksperto na huwag maniwala sa sopas na ito na kung bakit biglang kumalat at pinag-uusapan ngayon.
Dapat nating tandaan na kailangan ng bansa ang magkontrol ng populasyon kung kaya hindi na kailangan pa ang ganitong sopassopas para kay Manoy dahil lalo lang darami ang batang isisilang! Sabi nga ni Kaibigang Al Pedroche na noon daw buhay pa si Ernie Baron, ang inaanunsiyo niya ay PITOPITO para sa kalusugan, pero ngayon ay itong FETUS-FETUS para pampatindig!
Talagang matindi at mainit na ang kampanyahan para sa 2013 midterm elections. Binanatan at hinamon ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay, UNA senatorial bet, si PNoy na magpakatotoo. Alin daw ba ang gusto ng binatang Pangulo, maging campaign manager ng Team PNoy o gumanap bilang lider ng bansa?
Nagbabalak maghain ng panukala si Sen. Gringo Honasan para ipagbawal ang election surveys. Pasok si Sen. Gringo sa Top 12 sa mga unang survey ng SWS at Pulse Asia. Nitong huling survey results, bagsak na si Honasan at Rep. Jackie Enrile.
Related Posts:
- ASONG-KALYE
- PANAHON NA
- KREDIBILIDAD
- MARAMI PA TAYO SA KUTO
- Ez 18:1-10, 13b, 30-32 • Slm 51 • Mt 19:13-15
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/06/soup-7/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment