Hinamon ni Vice President Jejomar C. Binay ang Liberal Party na pantayan ang bilang ng mga dumalo sa mga rally ng United Nationalist Alliance (UNA) matapos dumagsa ang 50,000 sa kanilang campaign rally sa Cagayan de Oro City noong Linggo.
Nabatid din may 50,000 katao rin ang dumalo sa kampanya ng mga kandidato ng UNA sa Bukidnon isang araw bago ang rally sa Cagayan de Oro.
“The crowd in Cagayan de Oro was larger than the crowd we had during the 2010 elections.
I wish the Liberal Party were here so they can see for themselves the real people’s choice,“sabi ni Binay.
Ayon kay Binay na siyang UNA President, ipinagmamalaki nito ang mga aktibidad sa kampanya ng UNA kung saan dinagsa ng masa simula pa noong unang proclamation rally ng koalisyon sa Cebu na dinaluhan ng 20,000.
“For me, this is the way to measure the depth of the people’s support for UNA. This is the true survey of the people,” pahayag nito.
Samantala tinawanan naman ni UNA secretary general at campaign manager Toby Tiangco ang pahayag ng LP na nais nila ang kalidad at hindi bilang para sa kanilang campaign sorties.
“That’s a pathetic excuse, especially since they are supposed to be the administration party. Campaign sorties and rallies are opportunities to highlight your strength, but it seems the LP’s claim of dominance is all hot air,“ diin ni Tiangco.
“And what do they mean by `quality’? Yung mga maykaya sa buhay na nagpupunta sa mga LP rally kumpara sa (mga) mahihirap na kusang-loob na nagpupunta sa mga rally ng UNA? This again betrays their elitist background, their contempt for the common people,“ dugtong nito.
Sinabi ni Tiangco na dapat magkaroon ang LP ng mas magandang paliwanag para sa mababang bilang ng dumadalo sa kanilang kampanya kahit pa ang mga dinaluhan mismo ni Pangulong Benigno S. Aquino III. – Bella Gamotea
Related Posts:
- Tanong ng UNA: Black vs. white o white vs. yellow?
- Chiz, Loren, Poe, itsapuwera – UNA
- Escudero, Casiño, iritado sa patutsadahan
- Solusyunan ang mga problema -Legarda
- Nagastos ng LP, P2 million
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/06/una-alin-mas-malaking-rally/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment