Sunday, March 24, 2013

UST, pabor sa UAAP rule

Malaki ang magiging pakinabang ng University of Santo Tomas sa bagong residency rule ng UAAP sa mga high school student kung ito’y maaaprubahan ng UAAP board.


“The new rule is good for us. They have been taking our athletes away,” pahayag ni UST Institute of Physical Education and Athletics director Fr. Ermito de Sagon O.P. noong nakaraang Sabado nang makapanayam ng mga miyembro ng UAAP Press Corps sa UAAP Season 75 closing ceremonies na ginanap sa SM City North EDSA Skydome sa Quezon City.



“Actually ‘yung ibang athletes namin na nasa second year palang ay sinisulatan na sila at binibigyan ng offer eh. Like our girls now in [UST] volleyball,” pagsisiwalat ni De Sagon.


Batay sa bagong ruling na sasalang sa “ratification” o pag-apruba sa darating na Abril 16, ang susunod na pagpupulong ng UAAP board, ang isang high school student athlete ay kailangan nang mag-sit out ng dalawang taon kung lilipat ito ng ibang UAAP school sa kanyang pagtuntong ng kolehiyo.


Layunin nito na maprotektahan ang athletic program sa high school ng isang UAAP member school.


Hindi maikakailang ang UST ay may magandang athletic high school program na pinatutunayan ng kanilang apat na sunod na taong pagiging overall UAAP juniors champion.


Ngunit sa kasamaang palad, karamihan sa kanilang junior athletes ay hindi umaakyat sa senior ranks at lumilipat at kinukuha ng ibang UAAP schools.


Gayunman, ayon kay De Sagon, hindi nila pipilitin ang kahit na sinong atleta na manatili sa UST kung ayaw nito.


“As much as we could, we’re trying to keep them. But as usual, we’re not going to force them to stay with us.”


Naniniwala din si De Sagon na nagsisimula ang magandang athletic program sa “recruitment” na nagiging maigting sa ngayon sa pagitan ng mga kasaping paaralan ng UAAP.


Subalit sinabi ng UST board representative na wala silang balak na magbigay ng anumang mga pabuya o iba pang bagay na manghihikayat para lamang maglaro sa kanila ang isang atleta.


“We will pursue our policy of amateurism. Hindi kami magbabayad o mangangako ng anuman para maglaro sa amin ang athletes,” paliwanag pa ni De Sagon.


“Hindi tayo makikipagsabayan. What is really important here is value formation. We’re not going to destroy our value systems even if we want to be champions.” – Marivic Awitan





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/ust-pabor-sa-uaap-rule/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment