Nakatakdang magtagisan ang mga kabataan na may pinakamatitibay sa buhatan sa darating na Abril 8 sa gaganaping open tryout para sa karapatang iprisinta ang Pilipinas sa 2nd Asian Youth Games sa Rizal Memorial Weightlifting Center.
Inaasahang lalahok ang mga batang weightlifters na may edad 16 pababa mula sa Zamboanga City, Bohol, Leyte, Cebu at Baguio upang pag-agawan ang nakatayang mga silya sa iba’t ibang weight category na nakalaan para sa paglahok ng bansa sa 2nd AYG na gaganapin sa Inchon, Korea.
“First time na isasagawa ang weightlifting sa Asian Youth Games kaya we are looking for young athletes within the age bracket na makakapasa sa minimum standard qualification,” sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) OfficerIn-Charge at Commissioner Salvador “Buddy” Andrada.
Ipinaliwanag naman ni dating Philippine Weightlifting Association (PWA) secretary general at ngayon ay PSC executive assistant na si Roger Dullano na pagbabasehan sa tryout ang mga naitalang record sa isinagawang mga torneo para sa age category ng International Weightlifting Federation (IWF).
“Magiging basis ng tryout ay iyung mga records sa isinagawang youth tournament ng IWF. Basically, ang standard qualification ay minimum so kung may makikitang malapit sa medal lift ay mas lalong maganda,” sinabi ni Dullano.
Inaasahan naman na dadalo si 2nd AYG Chef de Mission Nathaniel “Tac” Padilla upang personal na makita ang mga bata na magpapartisipa sa isasagawang try-out.
Pangungunahan ng tatlong kabataan na nadiskubre sa ginanap Batang Pinoy at Philippine National Games ang try-out na sina Margarette Colonia, Elien Rose Perez at Marco Llena. Sina Colonia, Perez at Llena ay hindi lamang nagtala ng kanilang personal best kundi maging sa BP at PNG tournament record sa pagsungkit ng gintong medalya. – Angie Oredo
Related Posts:
- 4 weightlifters, magtatangka sa YOG
- Llena, sasailalim sa coaching course
- 2nd AYG, itinakda sa Agosto
- 5 PH weightlifters, patungong China
- Batang Pinoy: Diaz, Colonia, nagpasiklab
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/29/weightlifting-tryout-tututok-sa-ayg/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment