Monday, March 4, 2013

Yeng Constantino, hinangaan sa Singapore

Ni Reggee Bonoan


Yeng Constantino TUMULAK noong Biyernes si Yeng Constantino patungong Singapore bilang guest speaker para sa mga estudyante ng School of Rock nito na may sangay dito sa Pilipinas.


“I would like to share Yeng performed well here in Singapore,” sabi ng handler. “The Singaporeans as well as Taiwanese and Hong Kong music businessmen are interested in getting her to perform in their countries.



“The executive director of rock school London is overwhelmed with Yeng. He requested to interview Yeng personally, he awarded Yeng the Honorary Licentiate award.”


Isinama na raw sa curriculum ng School of Rock sa Singapore ang awiting Salamat ni Yeng, kaya tuwang-tuwa ng unang produkto ng Pinoy Dream Academy.


At siyempre, kailangan marinig nila ang performance ni Yeng pero sa kalagitnaan daw ay nasira ang dalang CD (pirated?) kaya ang ginawa ng rakistang alaga ni Erickson Raymundo ay kinuha ang gitara ng ibang banda sa stage at itinuloy ang pagtugtog pagkanta na lalong ikinabilib ng crowd.


Nagbunga na ang paghihirap ni Yeng at ang pagsunod niya sa magulang na huwag munang magbo-boyfriend noong kapapanalo lang niya sa PDA at unahin ang career dahil kung sakali, eh, baka hindi niya naabot ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon.


Ang kaso kung kailan type na niyang magkadyowa, waley naman mahanap, ha-ha-ha!


(Editor’s note: Kaya lang, Reggee, iilan na lang ang humahangang Pinoy kay Yeng simula nang magbagong-anyo siya mula sa pagiging normal tungo sa pagiging weirdo. Iilan lang naman ang weirdo sa Pilipinas na hahanga sa kanya. Mas marami ang “normal” na tao sa bansa natin, na mass base niya.)





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/05/yeng-constantino-hinangaan-sa-singapore/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment