Ni Kristina Maralit
Dalawang babaeng indibidwal at isang maipagmamalaking koponan na pawang nagbigay karangalan sa bansa noong nakaraang taon sa pandaigdigang entablado ang ilan sa magiging highlight kung saan ay pagkakalooban sila ng parangal ng Philippine Sportswriters Association (PSA), may dalawang linggo mula ngayon.
Ang karateka na si Princess Joanna Mae Ylanan, taekwondo jinn na si Mikaela Calamba, at ang pambansang koponan ng dragon boat ang ilan sa nasa listahan ng mga personalidad na bibigyan parangal sa PSA-Milo Annual Awards Nights sa Marso 16 sa grand ballroom ng makasaysayang Manila Hotel.
Ang tatlo ay tatanggap ng pangunahing parangal mula sa pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa matapos ang kanilang kahanga-hangang ginawa upang pumaimbulog sa rurok ng tagumpay sa kanilang kinaanibang sports noong 2012.
Ang 20-anyos na si Ylanan, mula sa Tacloban City, ay humablot ng gintong medalya sa World Karatedo Federation Karate World Cup sa Busan, South Korea nang mangibabaw sa women’s -68kg kumite noong Agosto.
Makalipas ang halos isang buwan sa malamig na katubigan sa Milan, Italy, ang dragon boat team na binuo ng Philippine-Canoe Kayak Federation (PCKF), ay kumopo naman ng hindi lamang isa ngunit anim na gintong medalya sa 2012 ICF Dragon Boat World Championships upang kilalaning pangkalahatang kampeon sa torneo.
At sa pagtatapos ng taon, ang 15-anyos na si Calamba ay naging unang Pilipina na nakasungkit ng ginto sa World Taekwondo Poomsae Championship matapos magpakitang gilas sa women’s individual freestyle sa ikapitong edisyon ng kumpetisyon na ginanap sa Tunja, Colombia.
“Their achievements are truly hard to ignore that all three are deserving of being honored with a major award each,” pahayag ni PSA president Rey Bancod ng Tempo.
Bilang major awardees, napabilang ang tatlo sa listahan ng mga piling indibidwal na bibigyan ng parehong karangalan sa dalawang oras na seremonyang handog ng Philippine Sports Commission, Philippine Basketball Association, LBC, Smart, Rain or Shine, Globalport 900, ICTSI at Philippine Golf Tour, at Senador Chiz Escudero.
Tatanggap din ng major award ang mga kampeon sa boksing na sina Brian Viloria, Johnriel Casimero, Donnie “Ahas” Nietes, at Sonny Boy Jaro, ang cagers na sina Mark Caguioa at Bobby Ray Parks, golfers na sina Tony Lascuna at Dottie Ardina, champion horse na Hagdang Bato at jockey Jonathan Hernandez.
Samantala, ang kasalukuyan super-bantamweight world title holder na si Nonito Donaire Jr. ay sasaluhan ng kapwa boxer na si Josie Gabuco, world champion na Manila softball team, at five-time UAAP title holder Ateneo de Manila para sa pinakaaasam na Athlete of the Year award.
Related Posts:
- Caguioa, Parks, pararangalan ng PSA
- Lascuna, Ardina, nangningning sa golf
- Viloria, Casimero, Nietes, Jaro, pararangalan
- Gilas Pilipinas, pararangalan ng PSA
- Major awardees, halimbawa ng mga magagaling na atleta sa…
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/05/ylanan-calamba-dragon-boat-pararangalan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment