NGAYONG gabi sa Reporter’s Notebook, personal na nagtungo si Maki Pulido sa Sabah, Malaysia upang alamin ang mga nangyayari sa hidwaang nagsimula nang magtungo ang ilang miyembro ng Royal Army ng Sultanate of Sulu sa Lahad Datu, Sabah upang iparating sa pamahalaan ng Malaysia ang kanilang kahilingang kilalanin ang kanilang karapatan bilang tunay na may-ari ng Sabah.
Ano nga ba ang kahihinatnan ng standoff sa Sabah?
Iuulat naman ni Jiggy Manicad ang lagay ng mga kabataang nakilala ng Reporter’s Notebook na sa murang edad ay batak na sa paghahanap-buhay — apoy ang kanilang nagsisilbing laruan, makuha lang ang tanso na kanilang maibebenta. Isang lumang kalakaran na patuloy na bumibiktima sa kanila.
Sa tala ng National Statistics Office, umabot na sa tatlong milyon ang kaso ng child labor sa bansa. Ang nakababahala, ayon sa 2012 Maplecroft Child Labor Index, kabilang ang Pilipinas sa mga bansang itinuturing na may “extreme risk” o mapanganib na kaso ng child labor sa buong mundo. Tatlo sa bawat limang batang nasasadlak sa child labor, hazardous o mapanganib ang uri ng trabaho.
Sa kabila ng mga batas na pumoprotekta sa kabataan, bakit hindi pa rin nasosolusyunan ang problema ng child labor sa bansa?
Huwag palalampasin ang Reporter’s Notebook ngayong gabi, pagkatapos ng Saksi, sa GMA-7.
Related Posts:
- Sektor: Magsasaka, binhi ng kahirapan
- Ang worst airport at killer rider tampok sa…
- ‘Agos,’ ‘Reporter’s Notebook’…
- Pagbura sa child labor, dibdiban
- 5M child labor sa ‘Pinas
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/05/stand-off-sa-sabah-iuulat-sa-reporter%e2%80%99s-notebook-ngayong-gabi/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment