Sa patuloy at matapat na pangangalaga sa Laguna De Bay, isang bagong proyekto ang inilunsad ng Laguna Lake Development Authority (LLDA). Pinangunahan ni Presidential Adviser for Environmental Protection at LLDA General Manager Nereus Acosta. Ito ay tinawag na “Putat Belt Tree Planting Project”. Ang pagtatanim ng mga puno ng Putat sa may dalampasigan ng Bgy. Cuyab at San Roque sa San Pedro, Laguna. May sandaang empleado ng LLDA ang lumahok sa tree planting. Nagtanim din ng kawayan, narra, mahogany at camachile.
Naging katuparan ang proyekto noong Pebrero 26 ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ng LLDA, munisipalidad ng San Pedro, Laguna at ROHM Electronics Philippines Inc. Ang mga signatory ay sina Secretary at LLDA Gen. Manager Nereus Acosta, San Pedro Mayor Calixto Cataquiz at Kunihiko Tsuru, pangulo ng ROHM.
Layunin ng Putat Belt Tree Planting na gamitin ang nasabing mga puno bilang likas na buffer zone at land cover sa tabi ng lawa at pagpapanatili ng mga ilog sa Laguna de Bay Region. Bahagi rin ito ng rehabilitasyon ng lawa at greening campaign sa mga lugar na tinukoy ng LLDA at pagsunod sa Executive Order No. 26 na nagtatag ng National Greening Program. Nag-aatas sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na magtanim ng 1.5 milyong puno sa tinatayang 1.5 milyong ektaryang public land sa loob ng limang taon hanggang 2016.
Ang Putat (barringtonia recemosa) ay namumulaklak at namumungang puno, nabubuhay sa lugar na mahalumigmig at basa-basang lupa tulad ng tabi ng lawa at ilog. Ang mga puno ng Putat ay nakatanim sa tabi ng Seven Lakes sa lungsod ng San Pablo. Itinatanim rin bilang palamuti sa mga kalsada dahil sa lilim at magandang kulay rosas at mapuputi nitong bulaklak.
Sa bahagi ni mensahe ni Secretary Acosta, sinabi niya “Just as much as we need to cleanup the lake, we need to help it become more resilient by making it more ecologically-balanced and sustainable and the Putat Belt project is one of the numerous ways to restore the national integrity of the Laguna Lake.”
Related Posts:
- ANG TREE PLANTING NG LLDA
- IBALIK ANG DIWA NG LAWA
- LLDA ‘climate sensitive’ building, itatayo
- PAGLABAG SA CLEAN WATER ACT
- LLDA paiigtingin ang zero backlog
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/llda-project/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment