Ni Genalyn D. Kabiling/Manila Bulletin
Maaaring ilang beses na siyang sinabon ni Pangulong Benigno S. Aquino III subalit wala pa ring balak si Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) na magbitiw sa puwesto.
Isang dating broadcast journalist, sinabi ni Carandang na mananatili siya sa gabinete hanggang hindi nagdedesisyon ang Pangulo na patalsikin siya sa Malacañang.
“Not going anywhere,” saad sa text message ni Carandang, kaugnay ng kumalat na ulat na nagbitiw na siya sa puwesto dahil sa pagkadismaya ni PNoy sa kanyang trabaho.
Ilang beses na umani ng batikos si Carandang dahil sa umano’y palpak na mga speech na inihahanda niya para sa mga talumpati ng Pangulo o sa pagbibigay niya ng maling datos na naglalagay sa kahihiyan sa Punong Ehekutibo tuwing may pulong.
Lumutang din ang pangalan ni Silvestre Afable, press secretary noong administrasyong Arroyo, bilang posibleng kapalit ni Carandang sa PCDSPO.
Si Afable ay kasalukuyang miyembro ng board of directors ng John Hay Management Corp., na pag-aari ng gobyerno.
Naniniwala si Carandang na kuntento ang Pangulo sa kanyang trabaho bagamat aminado siya na ilang beses na rin siyang nasabon.
“I will serve the government as long as the President wants,” sinabi ni Carandang sa panayam ng DZRH. “I make mistakes sometimes and there are times when the President gets angry with me.”
Related Posts:
- PNoy inisnab ni Queen Elizabeth
- PNoy, Lagarde, nagkamustahan sa forum
- Info drive sa SONA, sinimulan
- Vin d’ honneur ni PNoy
- GMA visit sa puntod, naudlot
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/carandang-wala-akong-balak-magbitiw/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment