Apat katao na ang nasawi matapos na tamaan ng sakit na dengue sa Metro Manila, ayon sa Department of Health (DoH).
Batay sa ulat ng DoH-Center for Health Development National Capital Region (CHD-NCR), nabatid na ang dalawa sa nasawi ay mula sa Manila habang nakapagtala naman ng tig-isang dengue fatality ang Caloocan City at Makati City.
Ang apat na biktima ay kabilang sa 1,061 kaso ng dengue na naitala ng DoH sa Metro Manila mula Enero 1 hanggang Pebrero 16, 2013.
Ang naturang bilang ay 66 porsiyento naman umanong mas mababa kumpara sa 3,158 kaso ng sakit na naitala sa NCR sa kahalintulad ng petsa ng 2012.
Nabatid na ang mga tinamaan ng sakit ay mula tatlong buwang gulang lamang hanggang 72-taong gulang at 48 porsiyento sa mga apektado ay may edad mula 15 hanggang 49.
Ang 56 porsiyento naman ng mga kaso ay lalaki.
Nabatid na ang Maynila ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sakit na umabot ng 184 o 17 porsiyento ng kabuuang kaso, sumunod ang Quezon City na may 179 kaso, at pangatlo ang Caloocan City. – Mary Ann Santiago
Related Posts:
- 294 katao, nasawi sa dengue
- 182 dengue cases sa NCR
- Mahigit 28,000 dengue cases naitala
- Dengue hot spot sa MM
- Dengue cases, lumobo sa 32,000
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/dengue-sa-mm-4-nasawi/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment