Monday, March 11, 2013

Mayor Abalos, pinagpalang horse owner

Matapos ang matagumpay na double victory na naitala ng dalawang alaga ni Mandaluyong Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa katatapos na Philracom Commissioner’s Cup at PCSO Special Maiden race na ginanap sa Santa Ana Park noong Sabado, masasabing pinagpalang horse owner ang alkalde.



Tunay na may sukli at balik ang matapat na paglilingkod at pagsisilbi sa kanyang mamamayan ni Mayor Abalos na lubhang minahal ng mga taga-Mandaluyong City.


Ang bawat premyo ng kanyang alaga na itinuturing na horse super star ng dekada na Hagdang Bato ay itinutulong ni Mayor Abalos sa kanyang mga kababayan na nangangailangan ng tulong at tuwing araw ng Martes ay matutunghayan ito sa dami ng lumalapit sa kanyang tanggapan.


Personal niyang hinaharap ang mga taong nangangailangan at wala siyang pinipili at katuwang niya ang kanyang dakilang alalay na si Tatay Vic.


Noong Sabado, kinubra ni Abalos ang mahigit na P1.3 milyon na premyo matapos manalo ang kanyang dalawang alaga na Hagdang Bato sa Commissioner’s Cup at Stand in Awe sa Special Maiden race na ginanap sa Santa Ana Park.


Sinungkit ni Hagdang Bato ang P720,000 na premyo sa Commissioner ‘s Cup matapos pagwagian ang pakarera ng komisyon ang 2013 Commissioner’s Cup.


Naibulsa din ang P.6 milyon na unang premyong nakuha ng Stand in Awe sa PCSO Special Maiden race ng biguin ang mahigpit na kalaban na Gee’s for Victory, na tumanggap naman ng P225,000 bilang 2nd placer sa naturang karera.


Sa mga palahi ni Mayor Abalos, limang mananakbong lokal ang nagtala ng panalo sa sweepstake race mula sa huling tatlong buwan ng 2012 at kasalukuyang buwan ng 2013 at ito ay kinabibilangan ng Bumpiy Ride, Cat’s Silver, Never Cease, Stand in Awe at ang tigasin na El Libertador.


Sa mga nabanggit na mananakbo, tatlo dito ay masaabing mabigat na panlaban sa 2013 Triple Crown championship ang Cat’s Silver at El Libertador.


Mabibilang sa mga daliri ni Mayor Abalos ang kanyang mga palahi subalit siya lang ang nakapagtala ng may mataas na porsiyento ng panalo mula sa mga palahi nito kabilang na ang kanyang kampeon na Hagdang Bato.


Walang yabang na ipinagmalaki ni Abalos na sadyang masuwerte siya dahil bagamat mabibilang lang ang kanyang mga kabayo ay mapalad naman na nagsisipanalo sa mga mabibigat na laban.


Kabilang sa mga naging kampeon na alaga ni Mayor Abalos ang 2 time Triple Crown champion at Presidential Gold Cup champion na Ibarra, na ngayon ay nakapagpalahi na at posibleng matunghayan din sa mga susunod na taon upang magsilang ng bagong kampeon.


Tunay kang pinagpala Mayor Abalos, congrats mula sa Tiyempista at buong staff ng Balita.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/12/mayor-abalos-pinagpalang-horse-owner/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

1 comment: