Thursday, May 30, 2013

2 SAF official sinibak, posibleng managot sa Cagayan ambush

Sinibak sa puwesto ang dalawang opisyal ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pananambang ng New People’s Army (NPA) sa Cagayan na ikinamatay ng walong pulis at ikinasugat ng pitong iba pa.



Ayon kay SAF commander, Director Carmelo Valmoria, na ang pagsibak sa puwesto sa dalawang opisyal ng PNP elite force ay bahagi ng isinasagawang imbestigasyon sa ambush, ang pinakamatinding pag-atake ng mga rebelde sa mga pulis ngayong taon.


Tinanggal sa puwesto sina Senior Insp. Ronnie Albino, hepe ng 24th Special Action Company at ang direktang hepe ng mga napatay na pulis; at Supt. Nestor Lobos, commander ng 2nd Special Action Battalion.


“We will determine if there were indeed operational lapses that led to this,” sinabi ni Valmoria sa panayam sa telepono.


Aniya, tutukuyin sa imbestigasyon kung papanagutin sina Albino at Lobos sa insidente.


Patungo sa himpilan ng Allacapan Police ang 15 tauhan ng SAF para sa isang pagsusuring medikal nang tambangan ng NPA. Walo sa kanila ang nasawi at pito ang nasugatan.


Sinabi ni Valmoria, itinanim ng mga rebelde ang improvised explosive device may 30 metro ang layo sa lugar na karaniwang pinagpaparadahan ng mga pulis kapag nagsasagawa ng anti-ambush road security.


Ayon kay Valmoria, dapat na magsilbing aral sa mga nagsasagawa ng police operations ang nangyari upang maiwasang maulit ito. – Aaron Recuenco, Jude Sulit at Benise Balaoing




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/2-saf-official-sinibak-posibleng-managot-sa-cagayan-ambush/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment