Nitong mga nagdaang araw, tinalakay natin ang ilang bagay na kapag isinuko mo, maaaring maging magaan at mas masaya ang iyong buhay. Sana napulutan mo ng mga gintong butil ang ating naging paksa ngayong linggo. Ipagpatuloy natin…
- Isuko ang pangangailangan mong magdahilan. – Madalas nating binibigyan ang ating sarili ng limitasyon dahil gumagamit tayo ng maraming dahilan. Sa halip na lumago at pahusayin ang ating mga sarili at ating buhay, humihinto tayo at niloloko natin ang ating sarili sa pagdadahilan na kalimitan ay hindi totoo. Bakit hindi mo nagawa ito? “Eh, kasi, sinamahan ko si ano; nagpunta kami ni ano sa ganun; may ginawa akong iba; akala ko si ano ang gagawa; hindi ko narinig na may pinagagawa ka.” Dami pong dahilan… hindi naman totoo.
- Isuko mo na ang nakalipas. – Aminin man natin o hindi, talagang mahirap iwaksi ang nakaraan, lalo na kung ito ay mas maganda kaysa kasalukuyan at lubhang nakakatakot ang kinabukasan. Ngunit kailangang tanggapin mo na ang kasalukuyan lamang ang mayroon ka. Kung masyado kang nangangarap sa nakaraan, lumilipas ang kasalukuyan nang wala kang ginagawa. Huwag mo nang bulagin ang iyong sarili. I-enjoy mo ang kasalukuyan at magsikap kang gawing mas maganda ito kaysa nakaraan. Kung tutuusin, ang buhay ay isang paglalakabay hindi isang destinasyon. Magkaroon ng malinaw na target para sa future at paghandaan mo iyon, ngunit kailangan mong kumilos ngayon.
- Isuko mo na ang pangangailangang mabuhay ayon sa inaasahan o idinidikta ng iba. – Marami sa atin ang isinasabuhay ang iniisip o idinidikta ng iba, na sinasabing iyon ang mas mainam. Nabubuhay sila ayon sa gusto ng kanilang mga magulang o mga kaibigan, o nag kanilang mga kaaway, o ng kanilang mga guro, ng gobyerno, o ng media. Hindi nila pinapansin ang dikta ng sarili nilang pag-iisip. Masyado silang abala sa pagpapaligaya ng mga taong nasa paligid nila, kung kaya nawawalan sila ng kontrol sa sarili nilang pamumuhay. Isabuhay mo kung ano ang magpapasaya sa iyo, kung ano ang gusto mo, at kung ano ang kailangan mo.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/bitiwan-mo-na-ang-nakalipas/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment