Wednesday, May 29, 2013

‘Pinas sa French blacklist, ipinagtaka

Nagulat ang Malacañang sa pagkakasama ng Pilipinas sa 17 bansa na pinatawan ng ban ng France dahil sa hindi umano pakikipagtulungan sa imbestigasyon sa foreign aid fraud.


Sinabi nitong Martes ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nais malaman ng gobyerno ang dahilan ng pagkakasama ng Pilipinas sa nasabing blacklist ng France.



“We’re trying to get a better handle on what it really is and what the observations are,” sabi ni Valte.


“I understand that we are working with them on the finance side on several initiatives and parang wala pang nadi-discuss na ganyan,” dagdag ni Valte.


Sinabi ni Valte na nangangalap ang gobyerno ng Pilipinas ng mas maraming impormasyon upang wastong matugunan ang usapin.


“We’d like to get the scope of the factors that they considered when it came to that particular conclusion,” ani Valte.


Ayon kay Valte, ilang foreign aid ang hindi direktang natatanggap ng gobyerno ng Pilipinas kundi sa mga non-governmental organization (NGO) na recipient ng grants.


Napaulat na nilikha ng gobyerno ng France ang blacklist dahil sa kawalan ng transparency ng mga bansa sa foreign aid, at kinabibilangan ng Botswana, Brunei, Nauru, Guatemala at Pilipinas, na kabilang sa tinatawag na “non-cooperative states and territories,” gayundin ng Switzerland, Lebanon, Panama, Costa Rica, United Arab Emirates, Dominica, Liberia, Vanuatu at Trinidad and Tobago. – Madel Sabater-Namit/Manila Bulletin




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/pinas-sa-french-blacklist-ipinagtaka/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment