Muling masusubok ang galing ng mga Pinoy mixed martial artist sa paghataw ngayong gabi ng “One FC: Rise To Power“ sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sina Honorio “The Rock“ Banario, Eduard “The Landslide“ Folayang at Kevin “The Silencer“ Belingon, tatlo sa pinakakilalang Pilipinong mandirigma ngayon, ay makikipagtagisan ng lakas at tikas sa kanilang mga banyagang kalaban sa event na inaasahang dadagsain ng may 20,000 MMA fans.
Idedepensa ni Banario, ang unang Pilipinong MMA world champion, ang kanyang featherweight title laban sa No. 1 contender na si Koji Oishi ng Japan sa main event. Ang 35-anyos na si Oishi ay isang beses pa lamang na natatalo sa kanyang huling 12 laban mula 2007.
“I’m ready. I’ve trained hard for this event and very determined to defend my title,“ pahayag ng 23anyos na si Banario mula sa Team Lakay. “More than polishing my techniques, I also watched his previous fights on video. Pinag-aralan ko kung paano siya kumilos at umatake.“
“Pareho kaming striker, pero sa tingin ko mas lamang ako sa kanya, mas kumpleto kasi may kickboxing ako, may muay thai, siya naman more on boxing,“ patungkol naman ni Banario sa kanyang bentahe sa kalabang Japanese.
Ayon pa kay Banario, nakararamdam pa rin siya ng kaba, ngunit napapalitan naman daw ito ng kumpiyansa tuwing ipinapaalala niya sa sarili ang layon na manatiling kampeon matapos ang sagupaan nila ni Oishi lalo’t siya ay lalaban sa harap ng libu-libong mga kababayan.
“Of course, I would like to defend my One FC title in front of my fellow Filipinos. Hindi bastabasta maaagaw sa akin ito. This fight is for my country,“ pahayag ni Banario.
Samantala, matapos ang mapait na pagkatalong natikman mula kay Lowen Tynanes noong nakaraang Disyembre, pipiliting makabawi ni Folayang, dating kampeon ng wushu sa Southeast Asian Games, sa kanyang pakikipagbakbakan laban sa Iranian-British at dating kampeon sa wrestling na si Kamal “The Prince of Persia“ Shalorus sa lightweight undercard.
Si Shalorus ay isang beterano na huling lumaban sa Ultimate Fighting Championship (UFC) bago lumipat sa bakuran ng One FC at kilala bilang brawler sa loob ng ring.
Makakatapat naman ni Belingon, kilala sa kanyang galing sa Sanda at Brazilian Jiujitsu, ang Japanese fighter na si Masaketsu Ueda para sa finale ng bantamweight grand prix. Tatapatan ng 26-anyos na striker ang galing ni Ueda sa grappling at sisiguruhing hindi maiipit sa submission techniques nito.
“As an entrepreneur, I always look for ways to outdo myself. That’s why, after the successful staging of “One FC: Pride of a Nation“ last year, I just had to come up with a bigger and grander event,“ pahayag ni Victor Cui, CEO at promoter ng One FC. “I promise everyone who’ll be trooping to the Mall of Asia Arena that it will be an exciting, action-packed event. All the fighters who’ll be seeing action are topnotch, world-class mixed martial artists and I guarantee everyone that this event is something they’ll be talking about for a long time.“
Bukod kina Honorio, Folayang at Belingon, dalawa pang Pinoy ang nakatakdang sumabak sa event na suportado ng Casino Filipino.
Makakatapat ni Geje Eustaquio si Andrew Leone ng Estados Unidos, habang tatangkain naman ni Rey Docyogen na madispatsa Yasuhiro Urushitani ng Japan. – Kristina Maralit
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/banario-kumpiyansa-kontra-kay-oishi/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment