Thursday, May 30, 2013

LLP, Clark, nagsanib sa AsPac

Nagkasundo ang Little League Philippines at Clark Development Corporation sa pormal na pagtutulungan para sa pagiging punong-abala ng 2013 Asia-Pacific Middle East Tournament sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 8 kung saan ay isa itong world series-qualifying event.



Sinabi ni Little League district administrator Jolly Gomez at CDC chairman Art Tugade na asam sa torneo na maitatak ang Clark Freeport Zone bilang isang de-kalidad na sports hub sa bansa matapos na pirmahan ang memorandum of agreement sa Philippine Sports Commission conference room.


Ang pirmahan ay sinaksihan ni Little League assistant district administrator Chito Gonzales at CDC legal counsel Vic Aguirre.


“Gusto ni chairman Tugade na sa susunod na taon ay makilala ang Clark sa sports. They will bring sports back to Clark as a way to promote Clark. In order to jumpstart Clark sports, Little League, together with CDC and PSC, are hosting the AsPac tournament and we’ll start with youth sports,” sinabi ni Gomez.


“By being proud and supportive of this event, we’ll be able to rightfully say: it’s more fun in the Philippines,” pahayag naman ni Tugade.


Patuloy na rin ang paghahanda para sa torneo na tatampukan ng koponan mula sa iba’t ibang rehiyon, ayon naman kay CDC tourism promotion office manager Noemi Garcia.


“We’re starting to rehabilitate the Clark Parade Ground, which will be the venue for the games, as well as preparing box stops and outfields and other requirements,” ayon kay Garcia sa 22-ektaryang lupain na kayang mapagtayuan ng kabuuang 11 fields.


Inihahanda na rin ang mga bahay na tutuluyan ng mahigit sa 2,000 inaasahang guests mula sa iba’t ibang bansa.


“The participating teams will be housed under one village, the Montevista Villas, which is just across the Parade Grounds, while the rest of the entourage, like parents, will be billeted all over Clark and even outside of Clark,” ayon pa kay Garcia.


Sa kasalukuyan ay may kabuuang 56 koponan mula sa 15 bansa ang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon.


Ang Pilipinas ay sasabak sa lahat ng siyam na paglalabanang dibisyon kung saan ay ipiprirsinta ng Tanauan City ang Little League Baseball at Junior League Baseball, ang ILLAM sa Senior League Baseball, ang Muntinlupa sa Big League Baseball, ang NCR sa Intermediate 50/70, ang Iloilo sa Little League Softball at Junior League Softball, ang Sta. Cruz sa Senior League Softball at ang kasalukuyang world titlist na Manila sa Big League Softball. – Angie Oredo




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/llp-clark-nagsanib-sa-aspac/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment