Thursday, May 30, 2013

Falcons, Squires, pasok sa semis

Pinataob ng Adamson Falcons at Letran Squires ang kanilang mga katunggali upang pormal na masakamay ang semifinals slots sa pagpapatuloy ng 19th Fr. Martin Summer Cup basketball tournament.


Namuno sa Falcons si Jessie Pedrosa na nagposte ng 20 puntos kung saan ay umasa sila sa ikalawang stringers upang patalsikin ang Lyceum Philippines University Pirates, 70-55, sa Group A sa senior division.



Humataw naman sa Squires sina Yves Sazon na nagtala ng 27 puntos at Ivan Villanueva na mayroong 18 puntos upang dispatsahin naman ang La Salle- Zobel Junior Archers, 88-74, sa Group A sa junior action.


Nang tapusin ang eliminations na taglay ang 6-1 (win-loss) record, siniguro ng Falcons ang unang semis berth at dinala ang Pirates sa napakasamang 4-3 (win-loss) slate.


Kinumpleto ng Squires ang sevengame sweep upang kamkamin ang unang semis slot sa kanilang bracket, habang sinundan sila ng Junior Archers na mayroong 6-1 card.


Sumalo sila sa Group B qualifiers na San Beda-A (8-0) at Xavier School (4-2) sa susunod na round.


Sa iba pang laro, nakakuha ang Ateneo-B ng 10 puntos mula kay Joma Adornado kung saan ay pinataob nila ang PATTS, at manatiling nasa kontensiyon para sa semis berth na kargado ng 4-3 slate sa Group A sa senior action.


Humirit si Claire Sambile ng 12 puntos para sa Far Eastern University Lady Tamaraws, pinataob ang Fatima University Lady Phoenix, 42-22, upang umakyat ang kanilang record sa 5-2 sa women’s finals.


Nagtala si Pedrosa ng 8 puntos sa third period, nagbigay sa Falcons upang mapalawak ang kanilang lead sa 53-43, at sinundan anf ikalawang half na may one-point edge, 29-28.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/falcons-squires-pasok-sa-semis/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment