BAGAMA’T lumabas sa mga pananaliksik na ang katamtamang pagkonsumo ng kape ay mainam sa kalusugan, hindi naman mabuti kung masobrahan ka nito. Sa isang pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik na Australian na ang pag-inom ng lima o anim na tasa ng kape araw-araw ay nakapagdadagdag ng timbang at nakapagtataas ng panganib ng metabolic syndrome.
Ang metabolic syndrome ay isang grupo ng risk factors, malaking beywang, high blood pressure, at mataas na triglyceride levels, na nagtataas ng panganib ng isang tao para magkaroon ng chronic diseases, gaya ng diabetes at stroke.
Sa isang bagong pagaaral, partikular na sinuri ng mananaliksik mula sa Western Australian Institute for Medical Research at University of Western Australia’s School of Medicine and Pharmacology ang mga epekto ng polyphenols, o CGAs, na sagana ang coffee ngunit makukuha rin sa tea at ilang prutas kabilang na ang mga plum.
“Studies have shown that coffee consumption lowers the risk of developing type 2 diabetes,“ sabi ng professor at lead researcher na si Kevin Croft sa isang news release na inilabas noong Mayo 26. “This also included research on decaffeinated coffee, which suggested that the health benefits are from a compound in coffee apart from caffeine.“
Sa pag-aaral sa mga daga, natuklasan ng grupo na sa katumbas na dami ng CGAs sa halos lima o anim na tasa ng kape sa tao ay napanatili ng mga daga ang taba. Ang matatabang daga ay nagkakaroon ng mas mataas na antas ng glucose intolerance at tumaas ang insulin resistance.
“It seems that the health effects are dose-dependent,“ sabi ni assistant professor Vance Matthew. “A moderate intake of coffee, up to three to four cups a day still seems to decrease the risk of developing diseases such as cardiovascular disease and type 2 diabetes.“
Natuklasan din sa pagaaral sa mga daga na ang CGA ay hindi nagsusulong ng weight loss.
“People might be wasting their money if they’re buying expensive products like green coffee bean dietary supplements which are currently considered to be amazing weight loss products,“ dagdag ni Croft.
Ang pag-aaral ay lumabas online sa Journal of Agricultural and Food Chemistry.
Isang hiwalay na pag-aaral na inilathala noong Marso sa American Heart Association journal Stroke ay natuklasang ang kape at green tea ay nakatutulong sa pagbawas sa panganib ng stroke. Sangkot sa 13-taong pag-aaral ang 82,369 kalalakihan at kababaihan sa Japan. – Agence France-Presse
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/kape-nakakataba/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment