Naaresto ng mga militar ang apat na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga at Basilan, ayon sa ulat ng militar.
Base sa impormasyong ipinalabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WesMincom), ang mga naaresto ay nakilalang sina Muktar Adil Ahmin, alyas “Ogis Jakaria”, kapatid ni Putot Jakaria na Number 20 Most Wanted Person sa Region 9; Nader Sajidol Alan; at Nadjal Esmola Jael, pawang residente ng Zamboanga City; at Abu Arsad, alyas “Musad Adurasad.”
Ayon pa sa WesMincon, sina Ahmin, Alan at Jael ay naaresto ng mga tauhan ng Task Force Zamboanga, 12th Division Reconnaissance Company, 1st Infantry Division, kasama ang Philippine National Police dakong 4:30 ng hapon noong Lunes sa isang shopping mall sa Zamboanga City.
Isinasangkot si Ahmin sa magkahiwalay na pagdukot sa dalawang Italian missionary na sina Fr. Giancarlo Bossi noong 2007 at Fr. Michael Sinnot noong 2009.
Samantala, naaresto si Abdurasad sa Barangay Lawi-lawi sa Lantawan, Basilan, ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI).
Si Abdurasad ay nahaharap sa patung-patong na kaso ng pagpatay at pagdukot sa Mindanao. – Elena Aben/Manila Bulletin
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/kidnappers-ng-italian-missionaries-arestado/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment