Umabot sa 143 ballot boxes na naisailalim sa Random Manual Audit (RMA) ang binawi ng Commission on Elections (Comelec) upang isailalim sa pagsisiyasat matapos na hindi magtugma ang manual audit nito sa electronic result sa katatapos na May 13 midterm elections.
Naniniwala si Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Chairperson Henrietta De Villa, na siya ring chairperson ng RMA Committee (RMAC), na posibleng clerical error ang dahilan ng discrepancies.
“Isa sa mga discrepancies, sa one or two reports that I saw, eh madalas clerical error. Iyun bang ang paglalagay, nakita ko eh tatlong vertical lines tapos nilagyan na agad ng diagonal line. Ang bilang mo dapat lima. Pero ngayon, kung titingnan mo yung kanya tatlo lang eh, tapos isang diagonal, apat lang actually iyon. Pero kapag tinally iyon lalabas eh lima,” ani de Villa, sa panayam sa radyo.
Ani de Lima, posible ring hindi napansin ng verifier ng RMA team ang mga naturang pagkakamali dahil sa sobrang pagod.
Posible rin naman aniyang ang sanhi ng discrepancies ay ang maling pagsusulat ng mga figures sa number words.
Inaalam na rin naman umano ng poll body kung isa rin ang “human appreciation” sa ballot shades sa posibleng sanhi ng discrepancies. – Mary Ann Santiago
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/clerical-error-sinisi-sa-poll-discrepancies/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment