Kinikinita ko nang lubusang magiging grabe ang ating pulitika. Masasalaula nang tuluyan ang ating demokrasya bilang idolohiya at instrumento na magkakalat ng kayamanan ng ating bansa sa mas nakararami niyang mamamayan. Batay sa naging bunga ng halalan, ang gobyerno sa ilalim nito ay gobyerno na lang ng iilan. Salamat sa political dynasty at party-list system. Karamihan sa mga party-list organizations na umungos sa kanilang mga nakatunggali ay sinuportahan ng political dynasty. Pumasok halos ang kanilang nominees sa Kongreso dahil sa nakuha nila ang malaking porsyento ng mga botante sa mga lugar kung saan naroroon ang kanilang kamag-anak na namamayagpag at komokontrol ng pulitika.
Bakit nga ba sasama ang ating pulitika at paggogobyerno? Ginagarantiyahan ng Saligang Batas ang patas na oportunidad para makapasok ang lahat sa serbisyo publiko, kaya ipinagbabawal ng estado ang political dynasties na lilinawin ng batas. Hanggang ngayon, dalawampu’t limang taon na ang nakararaan mula nang umiral ang Saligang Batas, wala pang batas na ipinapasa ang Kongreso ukol sa political dynasties. Kasi naman, ang mga mambabatas natin ay ayaw putulin ang pagsasalin ng mga posisyon sa gobyerno sa kanilang kapamilya. Kapag masikip na ang isang lugar para sa kanila, hahanap sila ng iba para doon naman tumakbo at magtatag ng dynasty. May magkamilya na nga na nasa senado at sa mababang kapulungan na sa iba’t ibang distrikto tumakbo. Ngayon, nadagdagan na sila sa tulong ng sistemang party-list. Daragsa pa ang mga ito dahil nasa posisyon silang gumawa ng batas para dagdagan pa ang mga sektor na pwedeng magpasok ng partylist representatives bakod sa urban poor, labor, peasant, indigenous cultural minorities, women at youth.
Sa palagay kaya ninyo, hindi sila magdadagdag ng mga sektor na hindi ang kanilang kapamilya ang makikinabang? Lalawak na at hihigpit ang hawak ng magkakapamilya sa renda ng gobyerno na lubusan nang magiging bansot ito o inutil para paglingkuran pa ang kanyang mamamayan. Ang demokrasya natin ay gobyerno na ng iilan at magkakapamilya pa.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/political-dynasty-7/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment