Wednesday, May 29, 2013

SI MYTHER

Isang bantog na manunulat ang malimit na nagpapahiwatig: Hindi dapat magkaroon ng pamantayan ang pagkakaibigan. Ibig sabihin, kahit na sino ay maituturing na isang kaibigan kahit na ano ang kanyang kalagayang pangkabuhayan at panlipunan.



Ito marahil ang naging prinsipyo ni Myther Buñag, ang maituturing na kaibigan ng lahat – mediamen, businessmen, mga pulitiko at mga kaalyado ng non-government organization. Ang mga grupong ito ang magkakahalubilo tuwing Huwebes sa kanyang munting sulok sa Malate, Manila – sa Myther & Friends.


Si Myther na nagkataong nagdiriwang ng kanyang kaarawan ay hindi maituturing na isang Bill gates, Rockefeller at iba pa; O ng malalaking negosyante at pulitiko. Isa lamang siyang karaniwang tao, tulad ng pinatutunayan ng simpleng pananghaliang kanyang inihahanda tuwing Huwebes – salad na talbos ng kamote, okra, ampalaya at talong. Bagama’t ang mga ito ay kinabibilangan din ng simpleng lutuing-bahay na inihahanda naman ng kanyang maybahay na si Susan.


Hindi lamang karaniwang mediamen ang makakasalamuha sa Myther & Friends kundi mga opinion writers at editors na tulad nina Jun Icban ng Manila Bulletin, Marichu Villanueva ng Philippine Star, Ninez Cacho Olivares ng Daily Tribune, Maning Almario ng Daily Inquirer at iba pa. Halos permanent guest doon si Nestor Mata, ang journalist at lone survivor sa Magsaysay plane crash.


Isipin na nakikiisa rin doon ang mga Pangulo na sina Erap Estrada, Gloria Macapagal; sina Mayor Alfredo Lim ng Maynila at mga Kongresista at Senador, bukod pa sa mga negosyante at lider ng lipunan.


Bilang isang perfect host at true friend, malaki ang malasakit ni Myther sa kanyang mga kaibigan. Hindi iilang mediamen ang kanyang natulungan bagama’t siya ay isang karaniwang tao lamang. Happy Birthday, Kapatid.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/si-myther/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment