Ni Rommel Tabbad
Inirekomenda noong Miyerkules ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ibang lugar na maaaring pangisdaan ng mga Pinoy na nangangamba sa umano’y presensya ng mga barko ng China sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni BFAR Director Asis Perez, maaaring puntahan ng mga lokal na mangingisda ang iba pang lugar
sa Kalayaan Group of Islands (KGI) kabilang na rito ang karagatan ng Coron, Palawan at Recto Bank.
Aniya, wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo mula sa mga mangingisda sa Palawan kaugnay ng namataang mga Tsino sa Ayungin.
Tiniyak din nito sa mga mangingisdang Pinoy na patuloy pa rin sila sa pagpapakalat ng mga payao o palutang na may mga dahon ng niyog para matipon o maakit ang maraming isda.
Maaari rin aniyang mapakinabangan ng mga mangingisda sa Region 2 at 3 ang Benham Rise sa na nasa pagitan ng karagatan ng Cagayan at Aurora na may lawak na 13 milyong ektarya.
Makikipag-ugnayan din aniya ito sa mga ahensiya ng pamahalaan upang mabantayan nang husto ang karagatan ng Pilipinas laban sa mga banyagang illegal na pumapasok.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/alternatibong-pangisdaan-itinuro-ng-bfar/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment