Ni Jun N. Aguirre
ILOILO CITY – Naghahanda na ang Department of Education (DepEd)-Western Visayas sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 3.
Ayon kay DepEd Regional Director Mildred Garay, inaasahan nilang aabot sa 1,677,525 ang papasok sa pre-school, elementarya at high school sa Lunes para sa school year 2013-2014.
“May inaasahan tayong bagong 3,000 na classrooms sa ibat ibang eskuwelahan sa rehiyon sa tulong ng pribadong sektor,” sabi ni Garay.
“Bagamat nadadagdagan, kulang pa rin tayo ng classrooms sa kabuuan,” aniya.
Aabot lamang sa 311 bagong classroom ang magagamit sa pasukan, samantala hindi naman malinaw kung kailan matatapos ang iba pang silid-aralan.
Inendorso na rin kamakailan ng Regional Development Council na buksan, sa pamamagitan ng Public Private Partnership, ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong Western Visayas.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/western-visayas-1-7m-balik-eskuwela/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment