Inside story bago sumabog ang bakbakang Vice Ganda-Jessica Soho
USAP-USAPAN daw sa ABS-CBN compound kung bakit inabot ng mahigit isang linggo bago nagbigay ng reaksyon si GMA Vice-President for News and Public Affairs Jessica Soho sa jokes ni Vice Ganda sa I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta Coliseum noong Mayo 17.
Ang katabaan ni Jessica Soho ang istorya ng pagbibiro ni Vice Ganda at idinugtong ang mga posibleng eksena kung halimbawang pasukin niya ang pagiging boldstar.
Kuwento ng aming source, ongoing pa lang ang concert ay nakatanggap na sila na balitang na-offend na si Jessica Soho sa pang-ookray ng komedyante. Kaya nagtataka ang aming source kung bakit ilang araw muna ang pinalipas ng GMA executive bago siya umalma kasabay ng mga news reporters ng TV network.
“Pinag-isipang mabuti kung paano titirahin si Vice kasi orchestrated, tinira sa radio, ‘tapos sabay-sabay nag-tweet ang mga reporters nila, demolition job talaga.
“’Yung katabaan niya (Jessica) ang ginamit na punchline, hindi ‘yung rape, bakit doon sila nag-concentrate? Inilihis nila ang isyu?” pangangatwiran ng aming source.
May nagkuwento naman sa amin na tinawagan daw mismo ni Jessica Soho ang kaibigan at ‘asawa’ ni Vice na si Kris Aquino para sabihin ang sama ng loob nito at nagsabi pang plano niyang idemanda ang TV host/comedian/singer.
“Mahaba ang takbo ng usapan kasi parang nagkuwento si Jessica kay Kris na talagang sensitive siya pagdating sa katabaan niya dahil nga ito masyado siyang na-depress daw noong nawala ang parents niya at wala siyang ginawa kundi kumain kaya siya tumaba.
“Sinabi raw ni Kris kay Jessica na ‘ibalato’ na lang daw sa kanya ‘yung pagbibiro ni Vice at pagsasabihan niya. Eh, hindi ko alam kung ano ang naging sagot ni Jessica, kung itutuloy ang demanda o hindi. Basta inarbor na ni Kris si Vice.
“Kaya ‘yun ang alam kong takbo ng usapan nina Kris at Jessica. Ang nakakagulat, bakit napunta na sa rape ang isyu? Parang nalihis na? Ano ‘yun?
“’Tapos mga rape victims na ang ginagamit, it’s not about her (Jessica) na? Naguguluhan ako, paki-explain mo nga sa akin, bakit napunta na sa rape victims? Eh, ang ini-emote niya (Jessica), eh, pinaglaruan ang katabaan niya sa concert,” mahabang sabi sa amin.
“Sabi pa, kasi naging viral na raw sa YouTube ‘yung pang-ookray sa kanya (Jessica) kaya siya magsasampa ng kaso,” dagdag pang sabi sa amin.
Isa kami sa mga nakapanood ng show ni Vica Ganda, Bossing DMB at talagang nag-react din kami sa mga pang-ookray ni Vice sa mga kilalang personalidad. Pero hindi gaanong tumatak sa amin ang punchline kay Jessica Soho dahil luma na ito at narinig na namin ito noon pa sa comedy bars na pinupuntahan namin.
Mas tumatak sa amin ang pang-ookray ni Vice Ganda kina Boy Abunda, Gus Abelgas, Nancy Binay at Kris na para sa amin ay sumobra na talaga. Kaya nga ang tanong namin sa manager ng Phenomenal Unkabogable star na si Deo Endrinal nang magkita kami sa backstage, ‘Hindi po kaya mapikon ang mga inokray ni Vice?’ at sinagot kami ng, “Alam naman nilang show at biro ‘yun, bahala sila kung seryosohin nila. Bahala si Vice,” sabi sa amin.
At kahapon ng tanghali sa It’s Showtime ay nagsalita si Vice Ganda tungkol sa sumabog nang isyu sa kanila ni Jessica Soho:
“May isyung lumalaganap ngayon — May 17, 2013, naganap po ang I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta, it is a comedy concert, it’s a comedy show, it is an enlarged comedy bar show, naganap po sa Araneta.
“After eleven (11) days, kahapon, may mga lumabas pong isyu na may mga na-offend, may mga binato sa aking isyu, may mga nalampasan akong linya na mayroon akong sinabing hindi maganda, na mayroon akong mga taong sinadyang saktan, may mga tao akong natapakan.
“So, ang dami pong lumabas, sa Twitter, sa social networking, sa news, ang dami, pero hindi po ako nagsalita. Kasi gusto kong pag-aralan ang mga pangyayari kaya hindi po ako nagsalita at gusto kong i-take ang sitwasyong ito nang may tamang pag-iisip. Ayokong gamitin ang galit para mag-react. Ayokong gamitin ang pagiging immature para makipaglaban. Gusto kong maging matalino at kahit matalino po ako, sinasabi ng ibang tao na marunong ako, matalino ako, merong mga taong mas matalino sa akin at nakakaunawa at humingi po ako ng tulong.
“So, tumawag po ako sa tanggapan ng ABS-CBN, sa mga big bosses. Nakipag-meeting po sa akin si Tita Cory V. Vidanes, ipinatawag po nila ako na ito ang isyu, ito ang kumakalat na isyu ngayon, ito po ay tungkol kay Ms. Jessica Soho tungkol sa sinasabi nilang jokes ko about rape victims, na mayroon daw akong jokes about rape victims.
“Tinanong nila ako kung ano ang gusto kong gawin. Sinabi ko po sa kanila, sa mga big bosses, na hindi ko naman kinakailangang i-justify ang joke ko o bigyan ko ng magandang katwiran ang joke ko.
“Ang joke ay depende po sa tao kung paano mo tatanggapin, hindi lahat ng joke ay matatanggap lahat ng tao at kahit na isang joke na pinagtawanan ng lahat ay may taong hindi magiging pabor sa joke na ito.
“Ngayon, sinasabi ko na sinasadya man o hindi sinasadya, may na-offend akong tao, alam ko sa sarili ko ‘yun at tinatanggap ko, maaaring na-offend ko nga si Ms. Jessica Soho. Bukod kay Ms Jessica Soho, marami pa akong karakters sa jokes ko.
“Nabanggit ko rin po ang pangalan ni Ms. Kris Aquino, Mr. Boy Abunda, Mr. Kim Atienza, Mr. Gus Abelgas, Ms. Pia Hontiveros, Ms. Nancy Binay, Ms. Grace Poe at marami pa pong iba.
“Pero sa pagkakataong ito, sigurado ako na na-offend ko si Ms Jessica Soho at sinabi niyang na-offend siya. Sabi ko, tatanggapin ko ‘yun, na naka-offend ako ng tao.
“At kung naka-offend ka ng tao, tanggapin mo ang pagkakamali mo at paano mo ba ito matatanggap. Hindi ko makakalimutan isa sa mga simpleng turo sa akin ng magulang ko, ‘Sinasadya mo man o hindi mo sinasadya, humingi ka ng patawad at paumanhin.
“Lumaki na po nang lumaki ang isyung ito, marami na silang sinabi at kung anong sinabi ko, may mga naganap sa concert na iyon, hindi na ako makikipagtalo. Kasi kung makikipagtalo ako, hahaba lang nang hahaba. Ang salita ko, magiging salita nila at magiging laban sa lahat, at hindi lang naman kami ang naglalaban-laban, lahat na ng tao, nagsalita na, at nagbigay na ng opinyon. Itigil na natin ito, itigil na natin ang pagbibigay ng opinyon lalo pa kung hindi naman n’yo talaga alam ang nangyari at hindi kayo nakapanood, kasi magiging magulo lang ang mundo.
“So para po sa akin, ‘tinanong ng management kung ano’ng gusto kong gawin at sinabi ko na gusto kong mag-apologize kay Ms. Jessica Soho. Puwede akong mag-apologize sa Twitter, puwede akong mag-apologize sa Facebook, puwede akong magpa-interview kung saan-saan, puwede kong gamitin ang programang ito para mag-apologize, pero sabi ko, sa akin naman nagsimula kaya at may binitiwan akong biro na naka-offend sa tao kaya hihingi ako ng paumanhin, sinsero at para mas mararamdaman niya ang sinseridad ko, sinabi ko sa kanila (CVV) na personal.
“Kaya tinanong ulit ako ni Tita Cory, ano’ng gusto kong gawin? At sinabi ko na gusto kong gawing personal ang paghingi ko ng kapatawaran at paumanhin at gusto ko pong makausap si Ms. Jessica Soho.
“Kaya ang sabi ng management, ‘Kung sa palagay mo ‘yan ang tama at sa palagay namin ‘yan ang tama, humingi ka ng paumanhin ng personal, tawagan mo si Ms. Jessica Soho.
“Buong puso ko pong gustong humingi ng tawad, as much as possible, ayokong gawing pampubliko ang isyung ito, kasi ang plastic. Kung gusto mong humingi ng tawad, doon ka dumiretso sa tao, kung may gusto kang iparating sa tao, diretsuhin mo, huwag mong iparating kung saan-saan kaya’t tinawagan ko po si Ms. Jessica Soho karakaraka kaninang umaga (kahapon).
“Nag-ring po ang phone at may tumanggap sa tawag ko at sa boses pa lang, alam ko nang si Ms Jessica Soho iyon. Sabi ko, ‘Good morning po, magandang umaga, puwede ko po bang makausap si Ms Jessica Soho?’ At sumagot, sabi niya, ‘Sino ito, para saan ito?’ Sabi ko po, ‘Ay, ako po si Vice Ganda.’
“’Tapos sabi niya, ‘Ah, si Jessica Soho ito. Pasensiya ka na kasi hindi maganda ang timpla ko ngayong araw na ito.’ Kaya sabi ko, ‘Ah, okay po, is it okay if I just call you later, or tomorrow or some other day?’ Ang sabi niya (Jessica), ‘I don’t think so’.”
“Sa pakiwari ko, maaaring nasasaktan pa siya (Jessica), nagagalit pa siya, hindi pa siya tapos doon, hindi pa niya ako kayang patawarin, kaya hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin.
“Kaya sinabi n’yo po, Ms. Jessica Soho, you don’t think na gusto n’yo akong makausap maybe tomorrow or some other day or later, kaya ngayon ko na lang po gagawing pampubliko ang (paghingi ng dispensa) para makarating po sa inyo.
“Ako po talaga ay humihingi ng paumanhin. Opo, iyon po ay isang biro na maaaring sa inyo ay hindi magandang biro at kung hindi magandang biro at nasaktan ko po kayo talaga ay humihingi po talaga ako ng paumanhin. Patawad po at ipinapangako ko po sa inyo na hindi na kayo magiging kasama kailanman sa anumang tema ng pagtatanghal ko. Iyon lang po. Kung hindi n’yo po ako kayang patawarin sa ngayon, sana po balang araw mapatawad n’yo po ako at inuulit ko po, iyon po ay isang biro lamang.
“Tungkol naman po sa isyung rape na ginawa kong katatawanan nu’ng gabing iyon, lahat po ng nakapanood nu’ng gabing iyon na nasa konsiyerto umuwi ng bahay nila na walang naalala na ginawa kong katatawanan ang rape.
“Pero hindi ko na po idya-justify kung ano’ng ginawa ko, kung ano’ng ginawa kong tama o ginawa kong mali. Gusto ko lang pong klaruhin sa lahat na hindi ko po kailanman kayang kutyain ang rape victims, wala akong intensyong masama na pagtawanan ang mga rape victims. Alam ko pong seryoso ang rape, kaya hindi ko po ginawang biro ang rape victims wala po akong intensyong masama.
“Gayunpaman, kung mayroon po akong nasaktan, humihingi po ako ng paumanhin,” mahabang paliwanag ni Vice Ganda.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/tawag-para-mag-sorry-sinupalpal/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment