Friday, May 31, 2013

LBCMVSF cycling team, muling umarangkada

SAN JOSE, Tarlac – Gaya ng naunang road race event, muli na namang dinominahan ng continental team na LBCMVSF ang individual time trial event sa cycling competition ng POC-PSC National Games na idinaos sa Tarlac Recreational Park dito.



Matapos magtala ng 12-3 finish sa elite category ng massed start race noong nakaraang Miyerkules ng hapon, nakapagtala naman ng 1-2 finish kahapon ang koponan ng LBC na suportado rin ng MVP Sports Foundation.


Ito’y matapos na angkinin ni 2013 Rondal Pilipinas second runner-up Ronald Oranza ang gold medal sa ginanap na 30.6 kilometrong individual time trial race sa tiyempong 47:15.


Pumangalawa naman sa kanya para sa silver medal ang gold medal winner sa road race na si Rustom Lim na naorasan naman ng 48:21 habang pumangatlo ang rider ng Roadbike PhilippinesSeven Eleven Racing Team na si Baler Ravina na nagtala ng tiyempong 48:46.


“We’re very happy with the results. Kasi lahat ng nanalo puro bata. Yung winners natin sa road race tapos `yung nag-1-2 dito sa ITT lahat under-23, nakikita na `yung future ng Philippine Cycling,“ pahayag ni race director at PhilCycling director Ric Rodriguez.


Matapos ang nasabing dalawang araw na events, nakatakdang umalis ang Philippine continental teams ng LBCMVSF at Seven ElevenRoadbike Philippines ngayong araw para naman lumahok sa idaraos na Tour de Singkarak sa Indonesia.


Hindi naman nagpahuli sina Mark Julius Bordeus ng Roadbike Philippines-Seven Eleven Racing Team at Jesterneil Mendoza ng Tanza, Cavite matapos na muling magwagi ng gold at silver medals sa juniors ITT. Naorasan si Bordeus ng 49.49 segundo at 50.59 naman si Mendoza. – Marivic Awitan




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/lbcmvsf-cycling-team-muling-umarangkada/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment