Isa pang petisyon laban sa kontrobersiyal na Reproductive Health Law ang inihain sa Korte Suprema.
Ang ika-11 petisyon ay inihain ng Society of Catholic Social Scientist.
Ayon kay Antonio Emma Roxas, lider ng grupo, dapat nang tuluyang ibasura ng Kataas-taasang Hukuman ang RH Law na ngayon ay suspendido ang implementasyon hanggang buwan ng Hulyo.
Pero umaasa ang Society of Catholic Social Scientist na dahil sa dami ng depekto ng naturang batas ay tuluyan nang haharangin ng Supreme Court (SC) ang kontrobersiyal na batas.
Paliwanag ng abogado ng grupo na si Atty. Marry Imbong, maraming binalewala ang Kongreso sa pagpasa ng naturang batas, lalo na sa aspeto ng due process.
Dahil dito, marapat lamang aniyang ideklara null and void ng Kataas-taasang Hukuman Republic Act 10354 o Reproductive Health Law at atasan ang kinauukulang ahensiya na huwag ipatupad ang batas. – Beth Camia
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/petisyon-vs-rh-law-inihain-sa-sc/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment