Friday, May 31, 2013

‘Akyat Bahay,’ nadakip sa suot na relo

Kulungan ang kinasadlakan ng isang pinaghihinalaang miyembro ng “Akyat Bahay” gang ng madakip ito ng mga pulis, makaraang makilala ng isang salesman ang suot na relo na ninakawan ng sa kanya ng suspek sa Caloocan City.



Kasong theft ang kinakaharap na asunto ng suspek na si Erwin Bondoc, 33, tricycle driver, ng 123 General Del Pilar Street, 10th Avenue ng nasabing lungsod.


Kuwento ng biktimang si Rosauro Valeriano, 40, naninirahan sa 122-A M. H. Del Pilar, 8th Avenue, Grace Park, Caloocan City, noong Martes ng dakong 3:00 ng madaling araw, pinasok ng magnanakaw ang kanyang bahay.


Nabatid na tinangay ang kanyang electric stove na nagkakahalaga ng P2,000 kasama ang Anne Klein wristwatch nito na nagkakalaga ng P16,000.


“Pag-uwi ko po galing trabaho napansin ko na bukas ang pintuan ng aking bahay at doon ko nalaman na pinasok ako ng magnanakaw kasi magulo ang loob tapos nawawala na ang relo ko at kalan,” ani Valeriano.


Bandang 3:00 ng hapon, sakay ng tricycle ang biktima, nakita niya si Bondoc na pumapasada ng tricycle at suot ang kanyang relo kung kaya’t mabilis itong bumaba at tumawag ng pulis.


“Siyempre po pag gamit mo tiyak na makikilala mo kaya hindi na ako nagaksaya pa ng panahon,” dagdag pa ni Valeriano.


Sa presinto, napatunayan ni PO2 Joy Alcoriza na si Bondoc talaga ang pumasok sa loob ng bahay ng biktima at nagnakaw. – Orly L. Barcala




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/akyat-bahay-nadakip-sa-suot-na-relo/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment