Tahasang inamin ng Philippine Coast Guard (PCG) na apektado ang morale ng ahensiya sa pagkakasangkot ng mga tauhan nito sa pagkamatay ng isang mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel sa Batanes noong Mayo 9.
Inamin ni Coast Guard Commandant Rear Admiral Rodolfo Isorena na dahil sa sunud-sunod na batikos sa PCG ay masama ang loob ng kanyang mga tauhan ngunit iginiit na patuloy pa rin nilang gagampanan ang kanilang tungkulin.
Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na patuloy na gagawin ng PCG ang responsibilidad sa pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas.
Una nang inihayag ni Isorena na wala siyang nakikitang problema kapag kinailangang humarap siya sa imbestigasyon kaugnay ng pagkakasangkot ng 17 niyang tauhan sa pagkamatay ng 65-anyos na Taiwanese.
Matatandaang nagbunsod ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Taiwan ang nasabing insidente, at nakaapekto sa ilang Pinoy na nasa Taiwan. – Beth Camia
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/morale-ng-pcg-apektado-sa-balintang-shooting/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment