MAY tampo raw ang bumubuo ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) sa tinanghal nilang 2012 Box Office King na si John Lloyd Cruz.
Ayon sa isang involved sa produksiyon ng entertainment awards ng GMMSF na aming nakausap, hindi raw nila matatangap ang pagsisinungaling ni JLC sa hindi nito pagsipot sa katatapos na awarding ceremony.
Days before the awards night ay nangako raw si John Lloyd na makakarating sa event, ipinakansela pa nga raw nito ang supposed showbiz appointment nang mismong araw na ‘yun para personal na tanggapin ang Box Office King award.
Pero sa mismong araw ng awarding ay bigla raw nagpasabi si John Lloyd na baka hindi raw siya makarating dahil medyo sumama ang pakiramdam niya at may LBM daw siya ng araw. Ayon pa raw sa aktor ay pipilitin pa rin niyang makahabol.
Sey pa raw ni John Lloyd Cruz, medyo late na rin naman daw ang pagbibigay ng award sa kanilang dalawa ni Bea Alonzo (na tinanghal namang 2012 Box Office Queen).
Kaya hindi na rin naman ikinagulat ng in-charge sa produksiyon ang pagtawag ng road manager ni John Lloyd Cruz na hindi na raw ito makakarating.
Pero sumama ang loob ng mga taong nasa likod ng 44th Entertainment Awards ng GMMSF na inisnab sila ni John Lloyd Cruz at mas binigyan ng importansiya ang isa pang showbiz event kasama ang designer na si Ms. Sarte.
Hindi matukoy ng aming source kung anong klaseng event ang mas pinili ni John Lloyd Cruz kaysa tatanggapin niya ang 2012 Box Office King award. –Jimi Escala
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/palusot-ni-john-lloyd-di-matanggap-ng-gmmsf/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment