Thursday, May 30, 2013

78 Maguindanao suspects: Not guilty

Naghain ng “not guilty” sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) kamakalawa ang 78 na akusado sa nangyaring Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009.


Ito ay matapos basahan ng demanda ang mga ito sa sala ni QCRTC Judge Jocelyn Solis-Reyes kung saan dinidinig ang ika-58 na kasong murder dahil sa pamamaslang kay Midland Review reporter Reynaldo Momay.



Ang nasabing kaso ay isinampa sa hukuman matapos itong iutos ng Department of Justice (DoJ) noong Hulyo 12, 2012 nang makitaan ng probable cause ang kaso.


Ayon kay Private Prosecutor Harry Roque, Jr., kabilang sa mga akusado ay mga promiinenteng miyembro ng pamilya Ampatuan na kinabibilangan ni Andal Ampatuan Sr., tatlo nitong anak, at ang lagpas 100 na miyembro ng umano’y private army, kabilang din ang mga pulis ng Maguindanao.


Matatandaan na unang ikinonsidera ng awtoridad na 57 lamang ang mga biktima sa masaker dahil tanging ang mga ngipin lamang ni Momay ang narekober sa crime scene sa Sitio Masalay, Barangay Salman, sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao.


Naisama lamang bilang biktima ng masaker si Momay nang hilingin ng anak nito na si Reynafe sa DoJ na isama ang ama nito sa nililitis na kaso ng masaker sa QCRTC. – Rommel Tabbad




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/78-maguindanao-suspects-not-guilty/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment