HANOI - Dahil sa bihirang pagkalap ng datos, sadyang pang-iisnab at diskriminasyon, ang mga batang may kapansanan ang itinuturing na pinakakaawaawa sa mundo, iniulat kahapon ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).
Kumpara sa mga batang walang kapansanan, ang mga batang may kapansanan ay tatlo hanggang apat na beses na mas lantad sa pisikal at seksuwal na pang-aabuso, mas maliit ang posibilidad na malunasan ng mga eksperto o makapasok sa eskuwela, ayon sa The State of the World’s Children report ng UNICEF.
Ayon pa sa report, ang hindi pagkakaloob ng sapat na sex education at HIV programs sa mga batang may kapansanan ay naglalantad sa kanila sa matinding panganib ng pang-aabuso at pagkakahawa ng HIV.
Nanawagan ang UNICEF report na tuldukan na ang diskriminasyon sa mga batang may kapansanan at pagkalooban ang mga ito ng pinakamaiinam na social services.
“The greatest barrier they face is not so much the disability as the discrimination they face,“ sabi ni UNICEF Executive Director Anthony Lake.
Mahalagang usapin din ang kasarian, dahil ang mga batang babae na may kapansanan ay karaniwang pinakahuling nakatatanggap ng benepisyo ng pagkain at pag-aalaga, ayon pa sa report.
“I see on TV all the time that kids with disabilities can’t go to school because of people’s perspective and it’s wrong,“ sabi ng 16-anyos na babaeng Vietnamese na si Nguyen Thi Phuong Anh.
Si Phuong Anh, na may brittle-bone disease, ay naging instant celebrity sa Vietnam nang mapanood sa television show na Vietnam’s Got Talent na sumasayaw at umaawit habang nasa kanyang wheelchair.
`“Everybody knows that it’s wrong, but people are afraid to act differently so everybody treats people with disabilities like we’re monsters,“ sabi ni Phuong Anh. – Deutsche Presse Agentur
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/batang-may-kapansanan-pinaka-marginalized/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment