Thursday, May 30, 2013

NPA bombing attacks: 118 nasawi

Ulat nina Aaron Recuenco/ Manila Bulletin at Benise Balaoing, trainee



Hindi bababa sa 118 katao, karamihan ay sundalo at pulis, ang nasawi sa pag-atake ng New People’s Army (NPA) gamit ang improvised explosive device nitong nakaraang 10 taon.


Sinabi ni Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), target ng NPA gamit ang IED ang mga tropa ng pamahalaan subalit ilang inosenteng sibilyan ang nadamay sa mga pagatake.



Base sa intelligence report, umabot sa 108 pag-atake ng NPA ay gamit ang IED o landmine.


Mahigit sa 270 katao ang nasugatan sa kahalintulad na pag-atake ng mga rebeldeng komunista.


Naniniwala ang PNP na kinukunsinte ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang paggamit ng NPA ng IED, tulad sa pinakahuling insidente ng pagatake ng mga rebelde sa Allapacan, Cagayan.


Walong miyembro ng elite PNP Special Action Force ang nasawi sa pananambang ng NPA gamit umano ang landmine. Tatlong pulis ang nasa kritikal na kundisyon, ayon pa kay Cerbo.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/31/npa-bombing-attacks-118-nasawi/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment