Ni Angie Oredo
Sinimentuhan nina 27th Myanmar Southeast Asian Games bound Rebecca Pahoyo at beteranong si Rexel Ryan Fabria ang kanilang silya sa PH diving team matapos na iuwi ang gintong medalya sa men’s at women’s 10 meter platform event sa ginaganap na POC-PSC National Games sa Rizal Memorial pool.
Kinolekta ng 18-anyos at incoming 2nd year college Marketing Management sa Universidad De Manila na si Pahoyo ang kabuuang 220.45 puntos upang agawin ang ginto sa dating kampeon at miyembro ng PH Team na si Ceseil Domenios na nagtala ng 200.8 puntos. Pumangatlo si Hazel Abiera na may 184.80 puntos.
“Pinagbuti ko po dahil basis ang PNG sa makakasama sa SEA Games. Matagal na po akong umaasam na makasali sa SEA Games at sana po ay mapili na ako ngayon,” sinabi ng tinanghal din na University Games gold medalist na si Pahoyo, miyembro ng training pool noong 2006-08 pero nawala matapos idisband ang training pool.
Asam naman ng 27-anyos at mula sa Zamboanga City na si Fabriga, miyembro ng PH team sapul noong 2000, na makatuntong sa kanyang ikapitong SEA Games bago tuluyang magkonsentra na makatapos ng kanyang pag-aaral.
Tinipon ni Fabriga ang kabuuang 427.65 puntos para sa kanyang unang ginto. Pumangalawa si Zardo Domenios (319.3) at pumangatlo si Dxismen Dumaguit (306.1)
“Gusto ko po na makapagtapos ng edukasyon,“ sinabi ni Fabriga.
“Iba po kasi kapag may natapos at napag-aralan. Hindi ko po nakumpleto ang 2nd year high school ko at sana ay matulungan ako ng ating mga opisyal na mabigyan ng pagkakataon na mai-accelarate ako sa programa ng DepEd para makatuntong sa college,“ pahayag pa nito.
Nakatakda pang lumahok sina Pahoyo at Fabriga sa 1m at 3m springboard.
Samantala, kinubra ni Christian Nanola ang ginto sa junior division boys rapid chess sa pagkolekta ng anim na puntos. Napunta ang pilak kay Jaymarc Gutierrez at tanso kay Jose Castro. Nagwagi naman ng ginto sa girls junior division rapid chess si Jean Karen Enriquez habang ikalawa si Angelyn Binan. Pumangatlo si Crissa Canada.
Nagwagi naman sa women’s division rapid chess si Jan Jodilyn Fronda sa tinipon na anim na puntos.
Napunta ang pilak kay Bernadette Galas habang tanso kay Loreshyl Cuizon. Ibinulsa naman ni Filipino Grandmaster Rogelio Antonio Jr. ang ginto sa Open division. Pumangalawa si Ronald Dableo at ikatlo si Jan Emmanuel Garcia.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/sea-games-bound-pahoyo-at-fabriga-ginto-sa-png-diving/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment