Wednesday, May 29, 2013

Claudine, Derek magtatambal sa pelikula

TULUY-TULOY na raw at walang makakapigil sa pagbabalik pelikula ni Claudine Barreto.


Claudine Barretto Ayon sa aming source na malapit sa mga Barretto, handang-handa na raw ang Viva Films para sa comeback movie ng kapatid nina Gretchen at Marjorie Barretto.



Ayon pa sa source, si Derek Ramsay ang magiging leading man ni Claudine sa isang istorya na tiyak na pag-uusapan. Kakaibang papel ang gagampanan ni Claudine na tiyak na ikakagulat ng kanyang fans at maging ng mga taong malapit sa aktres.


Wala naman daw pag-alinlangan si Claudine na siya pang nakipag-usap sa Viva Films, kasama ang kanyang ina, para sa naturang proyekto.


“Plantsado na ang film project na ‘yun. Napakagandang materyal para sa pagbabalik pelikula ni Claudine. Kung hindi magbabago ang plano, baka next month, eh, mag-uupisa na ng shooting sina Claudine at Derek Ramsay,” sey pa ng source.


Tiyak na matutuwa ng fans ni Claudine sa balitang ito. Sa totoo lang naman, marami pa ring tagahanga ang bunsong kapatid ng mga Barretto. –Jimi Escala




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/claudine-derek-magtatambal-sa-pelikula/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment