Wednesday, May 29, 2013

Bacho, namuno sa PH boxers

Pinamunuan ng 20-anyos na si Joel Bacho ang perpektong pamamayani ng mga national boxer sa ikalawang araw ng kompetisyon sa pagtala ng pinakamabilis at pinakaimpresibong panalo sa boxing event ng POC-PSC National Games sa Rizal Memorial Coliseum.



Walong malulutong na suntok sa loob ng 50 segundo sa unang round ang agad na pinakawalan ng 5-foot-8 na si Bacho kontra kay Welander Hersalia ng Dadiangas upang pigilin ng referee ang laban sa light welterweight category (referee-stoped-contest outclassed).


Nagwagi din ang pitong iba pang myembro ng PH Team sa pangunguna ni Guangzhou Asian Games gold medalist Rey Saludar na pinaayaw si Jalan Bunghanoy ng Dadiangas sa pagsisimula ng ikatlong round ng elite boys flyweight (52kg).


Sumunod na nagwagi si Jake Bornea na iprinisinta ang General Santos sa flyweight matapos na biguin si Nimtod Cesar ng ROM sa ikatlong round. Itinala din ni Gerson Nietes ng Air Force ang ikalawang sunod na panalo sa kategorya sa pag-uwi ng 16-11 iskor.


Binigo naman ni Junel Cantancio ng Air Force sa elite boys light weight (60kg) si Elson Toledo ng Bago City B sa 2:12 ng unang round (RSC Outclassed) sa torneo na suportado ng STI College, Standard Insurance, Procter & Gamble, Summit Mineral Water, Ayala Corporation, LBC, 7-11, Nestle-Milo, Aranas Law Office, Bala Energy Drink, Splash Islands, Enchanted Kingdom, Everlast, Innoderm-Metropharma Phil.Inc., Peak Martial Arts, Kix Sports, BSP Employee Association at Spin.ph.


Nagwagi din si James Palicte ng Bago City A sa light weight sa pagbigo kay Jestoni Artida ng Zamboanga, 15-6, habang namayani si Darwin Tindahan ng Air Force sa pamamagitan ng RSC sa ika-1:37 sa Round 3.


Huling nanalo si Elamir Felix Marcial ng Zamboanga A sa RSC dahil sa headblow sa 2:30 segundo sa round 1 kontra kay Romar Brina ng Rizal Technological Univeristy. – Angie Oredo




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/30/bacho-namuno-sa-ph-boxers/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment