Ni Mac Cabreros/PNA
Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang kabataan na pahalagahan ang mga katutubong wika kasabay ng pagbubunyag na apat sa 181 lengguwahe sa bansa ang naglaho na sa kasaysayan ng Pilipinas.
“It is important for us to recognize our roots and how we communicate with each other and most importantly rediscover our soul. And what other way to be in touch with that soul is by being rooted to our native languages,” sinabi ni DepEd Secretary, Bro. Armin Luistro.
Dahil dito, ayon sa DepEd, ay kanilang pinag-ibayo ang ugnayan sa iba’t ibang sektor tulad ng Summer Institute of Linguistics (SIL) para sa mas maigting na pagkilos para maisalba ang natitirang lengguwahe.
“Of the 170 plus languages we have, several are considered endangered. Together with SIL we will try to save them,” pahayag ng DepEd.
Inihayag naman ng Translators Association of the Philippines (TAP), na batay sa pag-aaral, limampung porsyento ng lahat na lengguwahe sa mundo ay masasabing endangered o nanganganib na ‘mamatay’.
Kasabay nito, nilagdaan ng DepEd at SIL ang kasunduan para sa nagkakaisang pagkilos para mapangalagaan ang mga natitirang lengguwahe.
Hinimok ni Luistro ang lahat na manindigan at makisangkot sa pamamagitan ng personal na pagsuporta sa kahit isang lengguwage sa 177 pang nalalabing wika na sinasalita sa bansa.
“Most of this languages are in the ICU and each one needs your help urgently,” ani Lusitro.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/03/apat-na-katutubong-wika-naglaho/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment