Ni Marivic Awitan
Mga laro ngayon: Fil-Oil Flying V Arena
2 p.m. Adamson vs. San Sebastian
4 p.m. Arellano University vs. Ateneo
Hawak ang isang panalong bentahe makaraang magtapos na No. 1 team sa Group A, pupuntiryahin ng defending champion Ateneo de Manila na magkaroon agad ng 2-0 bentahe kontra sa Arellano University sa pagbubukas ng quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 10 first conference ngayong hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Makakaharap ng Lady Eagles ang tumapos namang No. 3 team sa Group B na Lady Chiefs sa tampok na laban sa ganap na alas-4:00 ng hapon matapos ang unang sagupaan sa pagitan ng Adamson University at San Sebastian College, No. 2 team sa Group B at No. 4 team sa Group A, ayon sa pagkakasunod.
Base sa format, ang No. 1 at No. 3 teams sa magkabilang grupo ang magsasama sa Group A sa quarterfinals habang ang No. 2 at No. 4 squads naman ang bubuo sa Group B.
Target ng Lady Chiefs na makapagposte ng upset para hindi madagdagan ang bitbit na isang talo mula sa elims.
“Hindi pa namin nakakalaban ang Arellano pero hindi dahil No. 3 lang sila sa kanilang grupo ay kailangan magtiwala na kami na kaya namin sila,” pahayag ni Ateneo coach Roger Gorayeb.
“Ibang level na ito, which mean’s we have to step up on our game kasi iba na rin ang level ng laban dito if we really want to advance into the next round. Hindi puwedeng maging kampante dahil lang may 1-0 na kaming record,” dagdag pa nito.
Sa unang laban, inaasahan din ang matinding bakbakan sa pagitan ng Lady Falcons at Lady Stags na tiyak na mag-uunahang makapagposte ng unang tagumpay sa quarterfinals.
Nakapagtala lamang ng isang panalo sa nakaraang eliminasyon, siguradong magsisikap ang Lady Stags na bumawi ngayon sa quarterfinals para sa hangad nilang umusad sa semifinals.
Pumangalawa naman sa National University sa Group B, umaasa naman ang Lady Falcons na madadala nila ang magandang momentum na nakuha sa nakaraang eliminations buhat sa huling dalawang sunod na panalo kontra Arellano at University of Perpetual Help.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/ateneo-walang-awatan-kontra-arellano/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment