Tuesday, May 7, 2013

CEBU AS TOURIST, SHOPPING HUB

Ang Probinsiya ng Cebu at ang Department of Tourism (DOT) ay gumagawa ng paraan upang maakit ang mas maraming turista sa lalawigan at sa buong Region 7. Ang DOT, Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI), ang pamahalaang panlalawigan, at ang pribadong sektor ay maglulunsad ng unang “Great Cebu Sale“ sa huling linggo ng Mayo, 2013.



Ang Department of Trade and Industry (DTI) ay magtatanghal ng Micro, Small, and Medium Enterprises sa pagdaraos ng “Cebu Business Month“ na ilulunsad sa susunod na buwan upang ilutang ang probinsiya bilang sentro ng tuluy-tuloy na lifestyle sa Pilipinas, kaugnay ng pagsisikap ng DTI para sa isang green economy bilang isang bagong plataporma para sa pagnenegosyo.


Ang “Great Cebu Sale“ na katulad ng “Great Singapore Sale“ na idinaraos tuwing Hulyo ng bawat taon sa Singapore, ay magiging bahagi ng 2013 Cebu Business Month, na sinimulan ng CCCI sa temang “Excite Cebu! Power Up Global Business“. Magtitipun-tipon sa Tourism Congress ang mga ekspertong Pilipino at banyaga upang talakayin ang mga isyu sa industriya.

Ang ICT at BPO Conference at Expo ay tututok sa “technopreneurship“ upang himukin ang mga lokal na negosyante na magtayo ng sarili nilang kumpanya.


Binibisita ang Cebu ng mahigit 1.6 miyong lokal at banyagang turista kada taon, at ang karamihan ay naakit ng mga simbahan at makasaysayang lugar. Ang 166 isla ng Cebu ay hitik sa mga dalampasigan at malinaw na tubig na mayaman sa lamang dagat. Mayroon itong 13 lungsod, pati na ang kapital nitong Cebu City na tinaguriang Queen city of the South. Ang Metro Cebu ang pinakamalaki at pinakaprogresibong sentro ng urbanidad sa bansa sa labas ng Metro Manila.


Binabati natin ang Department of Trade and Industry sa pangunguna ni Secretary Gregory L. Domingo, ang Department of Tourism Secretary Ramon R. Jimenez, Acting Cebu Governor Agnes A. Magpale, Cebu Chamber of Commerce and Industry President Lito A. Maderazo, at Overall Chairperson of Cebu Business Month Melanie C. Ng, sa kanilang pagsisikap na itaguyod ang pamumuhunan at turismo sa probinsiya ng Cebu pati na rin sa iba pang lalawigan ng Region 7 sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/cebu-as-tourist-shopping-hub/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment