Ito ang malaking katanungan ng pamunuan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa madalas na pagkakabalam ng live coverage ng karera dahil sa kawalan ng signal bago at magtapos ang unang karera sa Malvar, Batangas.
Dahil sa pangyayari, naapektuhan umano ang benta ng MMTCI sa araw ng karera dahil sa halos isang oras na pagkakabalam ng live coverage sa cable tv sa Malvar race track.
Ayon kay Vince Trinidad, isa sa mga host ng karera sa MMTCI, maraming beses nang naaatraso ang pagpapalabas sa cable ng kanilang coverage sa karera kaya hindi nakalataya ang mga karerista.
Nagsisimulang magbukas ang palabas sa cable pagkatapos pa umano sa race 1 kung saan ay nagsisimula na ang Winnere Take All event na dapat sana ay maraming karerista ang tumataya sa naturang event.
“Bakit ba kapag sa Metro Turf ang karera ay lagi na lang may problema ang signal?,” ayon sa text messege na ipinadala ni Trinidad.
Ang pinakamalalang nangyari ay noong Martes na halos buong Metro Manila ay walang monitor. Pagbubunyag pa ni Trinidad.
Isang malaking katanungan ni Vince ay bakit kapag ang karera umano sa San Lazaro at Santa Ana ay wala naming nagiging problema.
Maituturing na isang seryosong problema ang ibinunyag ni Trinidad kaugnay sa madalas na kawalan ng signal at kawalan ng palabas sa cable dahil nababawasan ang benta ng karera.
Nararapat na imbestigahan ng pamunuan ng MMTCI ang perwisyong nagaganap sa araw ng kanilang pakarera at matukoy ang ugat nito.
Sa record ng Philracom, lumilitaw na pinakamahina ang benta ng MMTCI kumpara sa dalawang karerahan ng San Lazaro at Santa Ana sa lalawigan ng Cavite.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/coverage-sa-mmtci-laging-naaatraso/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment