Inaresto ng mga pulis ang isang hinihinalang drug pusher sa Valenzuela City matapos siyang isumbong ng kanyang mga kapitbahay na nag-text sa pulisya tungkol sa lantaran niyang pagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang lugar noong Biyernes.
Ayon kay Chief Insp. Allan Rabusa Ruba, hepe ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAIDSOTG), kinilala ang nadakip na si Edwin Otivar Jr., 34, alyas “Kulot,“ ng Cuadra Street, Barangay Ugong, Valenzuela.
Sinabi ni Ruba na nag-text sa kanya ang isang kapitbahay ni Otivar at isinuplong ang ginagawa umano nitong pagtutulak ng ilegal na droga sa kanilang lugar.
Bumuo ng grupo si Ruba para sa buy-bust operation hanggang naaktuhan si Otivar, at nakumpiskahan ng dalawang plastic sachet na may shabu. – Orly L. Barcala
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/27/drug-pusher-isinumbong-sa-text-message/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment